Actress nanganak sa US

Tulad ni Matet de Leon, sa edad na 17, solo na ring namumuhay si Janette McBride, isa sa most promising talents ng ABS-CBN Talent Center. Niri-renta niya ang sariling apartment - P10,000 monthly kasama ang isang maid at driver. Nakabili na rin siya ng sariling kotse -Toyota Corolla. Nag-down siya ng P200,000 at ‘yung remaining balance ay babayaran niya for two years.

Nasa Australia ang parents ni Janette. "Minsan dumadalaw ang brother ko sa bahay," she says na medyo fluent na ngayon sa pananagalog.

One year and half pa lang si Janette sa showbiz pero marami na siyang nagawang commercial at madalas din siyang mapanood sa shows ng ABS-CBN -- Star Studio, Flames, Magandang Tanghali Bayan, Tabing Ilog, Labs Ko si Babe. She was also one of the lead stars of Star Drama Theater Presents... Rave and Taksi Ni Pilo. At ngayon nga ay magiging semi-regular siya sa Richard Loves Lucy. Pero hindi siya magiging kapalit ni Kristine Hermosa sa nasabing programa na nagkaroon na ng sariling teleserye.

Si Janette ay na-discover ng ABS-CBN Talent Center nang minsang manood siya ng ASAP. Actually, nagbabakasyon lang siya dito noon. Pero hindi na siya pinakawalan ng Talent Center dahil nakita nila kay Janette ang combination ng talent at ganda. Hindi nagtagal ay kasama na siyang ini-launch sa Star Circle Batch 8.

Ngayon, loaded na siya ng projects. Kasama siya sa Tanging Yaman kung saan nakatrabaho niya ang mga batikang artista na tulad nina Dina Bonnevie, Joel Torre, Johnny Delgado and Hilda Koronel under the direction of Laurice Guillen. Kino-consider ni Janette na biggest break ang nasabing pelikula sa career niya.

Anyway, sa Australia naka-base ang parents ni Janette. At kahit kumikita na siya at kaya na niyang sustentuhan ang sarili, nagpapadala pa rin ng allowance ang parents niya. "Hindi naman po every month. Pag sinasabi ko lang na kailangan ko ng ganito, ipinadadala nila. Pinapadalhan din nila ako ng mga damit, ‘yung mga ginagamit ko sa mga shows," she says.

Sa mga naka-partner niya - Paolo Contis, Onemig Bondoc, Piolo Pascual and Dominic Ochoa, kay Dominic siya comfortable to work with. "Pinaka-mabait siya eh. Kasi Dominic is the oldest," she expresses.

Wala siyang boyfriend ngayon dahil bukod sa showbiz commitment, hindi niya tinalikuran ang eskuwelahan nang pumasok siya sa showbiz. Nasa home study program siya ng Angelicum College - once a week, nagri-report siya.

Trusted si Janette ng parents niya dahil alam niya ang limitations niya sa kanyang edad. Nag-celebrate siya ng 17th birthday last Nov. 4.
*****
Deadly pala sa girls ang isang top military official. Hindi lang kasi sa isang girl siya involve sa kasalukuyan. Ayon sa source ng Baby Talk, nanganak na ang girl no. 1 niya sa Los Angeles. Ang nasabing girl ay dating beauty queen at gumawa rin ng pelikula. Pero hindi nagtagal ay nagsabing sa States na lang siya (girl no. 1) mamamalagi. Last week lang daw nanganak si girl no. 1 at dinalaw umano siya ng nasabing deadly top military official.

Ang girl no. 2 ng top military official ay nakilala niya nang ma-assign siya sa probinsiya. TV reporter si girl no. 2 sa isang local TV station. At sinabi ng source na on-going din ang relasyon ng top military official at girl no. 2 at from time to time ay dinadalaw niya ito.

Bukod sa dalawa niyang girl, ang top military official ay may asawa’t anak.
*****
Hindi pa man natatapos ang kasalukuyang taon ay may plano na ang ABS-CBN sa career ni Carlos Agassi for next year. Kasama na rito ang kanyang solo concert. Kung ngayon ay guest lang siya sa concert ni Pops Fernandez, Shindig 1 & 2, next year malamang na si Pops na ang mag-guest sa concert niya.

Bukod sa nasabing concert, next year din iri-release ang kanyang second album under Star Records.

At next year na rin ipalalabas ang Dekada 70 starring Vilma Santos and Christopher de Leon kung saan isa siya sa gaganap na anak nina Boyet & Vi.

Well, it looks like si Carlos na talaga ang hot property ng ABS-CBN Talent Center ngayon.
*****
Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Joel Torre kung matutuloy ang project niyang Batang West Side starring Priscilla Almeda and Yul Servo. Naka-schedule sanang umalis noon si Joel papuntang US para sa shooting ng nasabing pelikula kaya siya nag-resign sa Saan Ka Man Naroroon kung saan pinatay ang character niya. Akala raw kasi ni Joel ay tuloy na tuloy ang nasabing proyekto pero last minute ay may nagsabing walang sapat na budget ang producer para ituloy ang shooting nito.

Kaya habang naghihintay kung anong mangyayari sa nasabing pelikula, minabuti muna ni Joel na tumanggap ng TV assignments. Ngayong Martes, mapapanood siya sa Kasangga sa episode na "Killer Kid" starring Lester Llansang, Amy Austria, Ynez Veneracion and Mon Confiado. Ang nasabing episode ay part ng anniversary presentation ng show na kinunan sa Cebu.

Anyway, nakaka-isang taon na ang Kasangga. At sa loob ng nasabing panahon, tuloy-tuloy ang pagtaas ng kanilang rating. Nagtutungo sila sa iba’t-ibang lugar - sa mga lalawigan para mag-research kung may mga krimen sa nasabing lugar na hindi nabibigyan ng katarungan.

Show comments