^

PSN Showbiz

Al Tantay, ganun ba kagaling kaya tinalian ng Viva ng 10 taon ?

- Veronica R. Samio -
Mukhang napapanahon si Al Tantay. Matapos ang matagumpay niyang debut bilang movie director sa pelikulang Mana-Mana, Tiba-Tiba ay mayro’n na naman siyang isang pelikula na inaasahan na magbibigay ng kasiyahan sa maraming manonood sa panahong ito na ang bansa ay dumaranas ng kaguluhan. Ang Juan & Ted (Wanted).

"Mga ganitong pelikula ang dapat mapanood ng tao para kahit papaano ay maibsan ang maraming problema na dinadala nila sa buhay," anang direktor na nakapagtatakang mas ginugustong magtrabaho behind the cameras gayong pwede pa naman siya sa harap. "Gusto ko nga mag-artista pero, walang kumukuha," ang sabi niyang may pagbibiro during the presscon/preview of Juan & Ted (Wanted) nung Sabado ng hapon. Of course, he still acts. May stint siya sa bagets drama series na Tabing Ilog bilang ama ni Paula Peralejo. Mayro’n din siyang role dito sa Juan & Ted bilang ama ni Chubi del Rosario.

Masaya ang pelikula. Nakakatawa na ang mga artista, nakakatawa pa rin ang mga sitwasyon. Totoo ang sabi niya na magandang kumbinasyon sina Janno Gibbs at Bayani Agbayani. Hindi nagka-clash ang tipo ng pagpapatawa nila, complementary pa nga. Mga bago ang sitwasyon, hindi palasak.

Mahigit sa 10 taon ang kontrata ni Al Tantay sa Viva. Marami siyang nakahandang projects. At para sa isang dating drama actor na aksidente lamang na napunta sa comedy nang pagkatapos niyang ma-rehab ay nag-gate crash siya sa isang miting ng Channel 5. "Actually, hindi naman talaga ako pumunta dun ng walang sabi sabi. I talked to Bobot Mortiz and asked him for a job. Sabi niya pumunta ako sa miting nila at baka may mahanap siyang trabaho para sa akin. Panay nga ang tingin sa akin ni June Rufino, dating head ng network. Iniisip siguro niya kung bakit ako nandun pero kinausap siya ni Bobot at ginawa nila akong contributing writer ng Tropang Trumpo."

Ito ang nagsilbing turning point ng kanyang career sa likod ng kamera.
From Tropa..., na kung saan siya ang naging creator ng "Battle of the Brainless" ay nanganak pa ito ng mga bagong show para sa kanya, ang Wow Mali at Ogag.

With Juan & Ted, he hopes na marami pa siyang mapatawang manonood sa kanyang mga trabaho.
*****
Magkakatulong na inilunsad ng Harrison Plaza, Coca Cola Bottlers Phils., Inc. at ng Rustan’s Supermarket ang isang joint sales promo na pinamagatang "Tuwing Pasko Enjoy Ang Regalo sa Harrison Plaza". Kasabay ng launching ang pagsisindi ng isang napaka-gandang Christmas Tree na matatagpuan sa Garden Square ng mga First Children ng City of Maynila, sina Analei Atienza-Del Gallego at Ali I. Atienza katulong ang pangulo ng HP na si Antonio V. Martel, Jr. at kasama ang kanyang ginang na si Belen Lovina Ticson Martel, Irene Martel-Francisco at ang Atienza grandchildren.

Ang sales promo ay sinimulan nung Okt. 27 at magtatapos sa Enero 6, 2001 sa pamamagitan ng isang grand raffle na gaganapin sa Garden Square ng HP sa ika-4:30 ng hapon.

Ang mga participating shoppers ay bibigyan ng raffle coupons sa pagbili nila ng 6-pack Coca Cola sa 3 Christmas Tree tents na pinatatakbo ng Rustan’s Supermarket na matatagpuan sa entrances ng SM, Rustan’s Supermarket at Garden Square.

Ang mga kakain din sa mga sumusunod na outlets ay makakatanggap ng coupons: Chowking, Goto King, Dunkin’ Donuts, Subway, Shakey’s, Ilonggo Grill, Goldilock’s, McDonald’s HP at Foodcourt Food Alley Fast Food, Greenwich, Magic Pot at Mini Foodcourt, Max’s, Dairy Plaza and Grill Spot, Rustan’s Snack Yard l & 11, Ten Noodles, TPM’s Snack Food at Yin Yan Restaurant.
*****
Sa kabila ng kaabalahan ni Cristina "Kringkring" Gonzales-Romualdez sa maraming proyekto na inaasikaso niya bilang asawa ni Cong. Alfred Romualdez at kasama na rito ang pag-aasikaso niya sa kanyang mag-ama (Alfred & Sofia), nagawa pa rin niyang mapagbigyan ang kahilingan ng mga nasa likod ng programang Habang May Buhay na napapanood tuwing Sabado, 10-11 n.g., IBC 13 na lumabas sa isang ispesyal na episode nito.

Mapapanood ito sa Sabado, Dis. 2, sa episode na pinamagatang "Sa Piling Mo" kasama sina John Arcilla, William Martinez, sa direksyon ni Jeffrey Jeturian.

Ang episode ay maghuhudyat ng huling paglabas ni Cristina sa isang drama anthology. "Hindi na ako pwede sa magdamagang shooting or taping," aniya. "Gaya nang nangyari sa "Sa Piling Mo". I left the house at 12 noon and returned the next day. Hindi ito alam ng asawa ko. So is my baby Sofia na nasanay nang makita ako pagkagising niya.

"It’s true na nami-miss ko rin ang tapings and shootings and I happened to like the script of the episode. At ang direktor na si Jeffrey Jeturian, I’ve heard so much about him. Yung mga kasamahan kong artista, na miss ko rin.

"Enjoy ako sa tsikahan namin before and after takes. Ang dami ko na palang hindi alam. Masaya talaga," amin ng maganda pa ring aktres.

AL TANTAY

CHRISTMAS TREE

GARDEN SQUARE

HARRISON PLAZA

RUSTAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with