Asawa ng magaling na aktres, nababakla !

Huwag kayong magtataka kapag nakita nyo na malaki ang pagkahulog ng katawan ng isang magaling na aktres. Kasalukuyan siyang may dinadalang isang malaking problema tungkol sa kanyang asawa na isa ring magaling na aktor. Feel ng aktres ay nababakla na ang kanyang asawa at ito ay unti-unti nang nagkakaroon ng epekto sa kanilang marriage. Hindi naman niya direktang makompronta ito sa takot na may iba pang dahilan ang pagbabago ng kanyang asawa. Baka rin may ibang girl ito pero, iba ang kutob niya.
* * *
Natupad din ang inaasam-asam ni Trovador James Ramos na mapabilang sa industriya ng local films. Bago ipalabas ang kanyang second movie na Eskort ay naramdaman niya na hirap siyang maka-penetrate sa industriya. Sa halip na matulungan siya ng mga kinauukulan para mapagaang ang kanyang pagpasok, sa booking pa lamang ay nahirapan na siya.

"I thought that the industry is dying. Eto ako at sa kabila ng bagsak na ekonomiya ay nagpipilit na makagawa ng pelikula para makatulong na mabuhay ang industriya pero, eto at mukhang may mga ayaw na makapasok ako," pahayag ng bagong actor/producer.

But luck seems to be on James’ side. Maganda naman ang naging bunga ng Eskort, kumita ito sa takilya kaya madali siyang nakabawi. This early, habang may mga sinehan na nagpapalabas pa ng Eskort ay nagsisimula na siyang magplano ng kanyang next movie.

Pulotgata ang titulo ng next project niya, isang sex drama. Hindi siya kasama but he will be calling the shots from behind the cameras. Siya ang magiging direktor ng pelikula.

For his lead stars, James is introducing two female newcomers, ang isa ay si Arrianne dela Riva na siyang ilo-launch niya sa pelikula. Ang ikalawa ay si Monica Perez who will be launched next.

He specifically asked his talent scouts to look for an "Intsikin" ang beauty, meaning chinita at ang dalawa nga ang sumagot sa kanyang requirements.

Si Arrianne, na malayo sa mukha ng kanyang kapangalan but who is equally as beautiful, is Audrey Sta. Maria in real life. Ikatlong pelikula na niya ang Pulotgata. She is 18 years old at nadiskubre ng kanyang manager na si Manny Ballester sa istasyon ng bus sa Ali Mall, Cubao, isang araw na inihatid niya pauwi ng probinsya ang kanyang ina.

Mataas siya at 5’4’’ at nasa last leg na ng kanyang pagpapapayat bago siya magsimulang mag-shooting. Nagsimula siyang kumuha ng isang computer course pero sa hindi niya malamang kadahilanan ay tumigil siya ng pag-aaral.

"I was restless. I was at a loose end, unti I was offered na mag-artista.

"Agad tinanggap ko dahil ito talaga ang pangarap ko.

"Okay lang sa akin na mag-bold, provided maganda ang role. Tulad dito sa Pulotgata, at least I’m being launched here, bida ako," sabi niya.

Makakapareha ni Arianne sa Pulotgata si Brando Legaspi.
* * *
Isang source ang nagsabi sa akin na napakaganda ng naging impluwensya ng bandang Side A sa aktor na si Aga Muhlach sa isang buwang pagsasama nila sa US na kung saan ay nagkaroon sila ng konsyerto.

Nakita ni Aga na sa kabila ng adulation na tinatanggap ng mga myembro from their fans ay nananatili silang tapat sa kanilang mga asawa kung kaya happy ang marriages nila. Maganda rin daw ang disiplina na ipinatutupad sa banda ng kanilang manager kung kaya matagumpay sila hanggang ngayon.



Maswerte si Aga sa pagkakaroon ng mga kasamahan na napagkukunan niya ang magagandang ehemplo pero, on top of this, he is lucky to have found Charlene Gonzales, a level- headed girl na alam niya na magiging mabuting kasama sa buhay at magiging isang mabuting ina ng kanyang magiging anak. Ayon sa aking source ay balak magka-anak agad ng guwapong aktor.





Show comments