Ian at Monching sa 'Kagat'

Gaganap na baguhang kidnapper sina Ian de Leon at Ramon Christopher at ang magiging biktima nila ay si Janna Victoria sa Nunsad Buralakaw ng Kagat ng Dilim ng Viva TV, ngayong Sabado, 10 ng gabi, IBC-13.

Sa pagtakas nina Ian at Ramon sa gubat ay makakaengkuwentro nila ang nunsad buralakaw na may kakayahang sumapi sa sinumang nilalang. Makaligtas kaya sina Ian at Ramon sa halimaw na ito?

Ang Kagat ng Dilim ay mula sa direksyon ni Erik Matti at sa panulat ni Dwight Gaston.

Show comments