Piolo, hindi liligawan si Judy Ann

Marami ang medyo nagulat nang tahasang sabihin ni Piolo Pascual dun mismo sa presscon ng Star Drama Theater Presents... Rush! na contrary sa inaasahan ng marami, hindi niya liligawan ang kanyang naging kapareha sa malaking hit movie na Kahit Isang Saglit at itinuturing ding pinaka-bestfriend niya na si Judy Ann Santos.

"Isa na siyang malaking artista, isang superstar. Nakakahiya naman kung sasabihin ng mga tao na ginagamit ko lamang siya sapagkat nagsisimula pa lamang ako. Mas mabuti na lamang yung manatili kaming magkaibigan tutal sa lahat naman ng kaibigan ko ay itinuturing ko siyang pinakamalapit sa aking puso," anang guwapong aktor who is topbilled in the new TV series kasama ni Baron Geisler.

Bakit dalawa sila? Hindi ba makakaya ni Piolo na dalhing mag-isa ang show?

Ayon sa producer ng naturang mini series, ang pagsasama ng dalawang kabataang aktor ay isang sort of an experiment para makatuklas ang network ng mga hit tandems, maybe not the romantic pairings but a combination na tatanggapin ng manonood ng telebisyon. So far, magaganda naman ang feedback na tinatanggap nila sa pagsasama ng dalawa.

Sa Star Drama Theater Presents, walang love interest ang isa man kina Piolo at Baron. Hindi isang love story ang itinatampok kundi isang kuwento ng buhay, isang survival of the fittest. Ipinakikita ang malaking pagkakaiba ng buhay sa lungsod at sa probinsya starting with the friendship of two women.

Ang serye ay binubuo ng limang bahagi sa direksyon ni Laurenti Dyogi. Kasama rito ang nagbabalik na si Tetchie Agbayani, Daria Ramirez, Marcus Madrigal, Joey Magsaysay, John Arcilla, Boots Anson Roa at ang mga ABS CBN Talents na sina Christian Santino, Andrei Felix, Zeppi Borromeo at Pamela delos Santos.

Magsisimula itong mapanood sa Sabado, Nob. 25, 8:30 n.g. sa Channel 2.
*****
Matapos ang matagumpay na launching ng mga albums na "Servant of All" at "Mother Of All", isa pang inspirational album ang ini-release ng Viva Records para sa Kapaskuhan. Ito ang "Christmas For All".

Ang ideya ng "Servant Of All Series" ay isang spin-off ng Jubilee Year na ipinagdiriwang nating mga kristiyano. Gaya ng naunang dalawang album, sina Eugene Villaluz at Jeanne Young ang producer ng "Christmas For All."

Mayro’ng original compositions sa album at ilan sa most well-loved inspirational songs na konektado sa Pasko. Tampok ang Tipless Choir ng Santo Domingo Parish, ang Ang UP Singing Ambassadors, collectively known as the Angeli Domini Choir. Kasama pa rin sa album sina Eugene Villaluz, Jeanne Young, Pat Castillo at Sandy Andolong. Ilan sa mga featured songs ay ang "Himig ng Pasko", "Let There Be Peace On Earth", "Little Drummer Boy", "Ang Aking Pasko" at "Alleluia Chorus".

Show comments