Pops, hindi bagay sa mature roles

Kung malas ang mga karakter nina Ana Capri at Nini Jacinto sa Arayyy!, grabe talaga ang sinapit ni Pops Fernandez sa kanyang role bilang Christine na isang guidance counselor na asawa ng isang bisexual na sobrang sama ng ugali sa katauhan ni Albert Martinez na isang presidential consultant naman, pero kahit minsan hindi ko nakitang nagpunta sa Malacañang upang magtrabaho. Lagi na lang siyang may masamang pakana at kahalubilo ang kanyang mga bodyguards. Sexually frustrated ang papel ni Pops at nagka-affair siya kay Anton Bernardo na PE instructor naman at na-seduce siya sa isang sulok ng school gym habang siya ay nagpupumiglas at habang hubo’t hubad naman si Anton.

Hindi bagay kay Pops ang mga sinasabi niyang mature roles. Hindi siya sanay, hindi niya gamay, mukha siyang trying hard. At sa totoo lang kung gusto na niyang lumigaya, sana matuto muna siyang mamili ng role at ng pelikula. Magulo ang Gusto Ko Nang Lumigaya. Maya’t-maya may flashback na nakakagulo lang sa takbo ng istorya. Maraming eksena ng mga kabadingan, ng mga macho dancers at sex orgies. Puwede mo nang isali si Bojo Molina sa listahan ng mga pinaka-epektibong aktor sa role na bading. Kabilang sina Noni Buencamino, Eric Quizon, Allan Paule at Raymund Bagatsing.

Show comments