Imported ang bf ni Vina Morales

Kaya naman pala blooming ngayon si Vina Morales ay mayro’n nang nagmemeari ng kanyang puso.

Matapos ang kanyang heartbreak kay Cong. Juan Miguel Zubiri na ilang panahon din ang inabot bago naghilom ang sugat, may bagong nang naglalagay ng ngiti sa kanyang mga labi at nagbibigay ng inspirasyon sa kanyang mga gawain.

May boyfriend na siya at sila ang naging center of attraction sa ginanap na birthday party ng kanyang kapatid na si Shaina Magdayao sa Cabalen Restaurant kamakailan.

It was evident na may relasyon sila, sa kanilang mga tinginan at hindi pagbibitaw ng mga kamay.

Yes, all throughout the party ay sila lamang ang magkausap habang magkahawak kamay. Gusto nga raw sanang tsikahin ito ng aking source pero natakot siya sapagkat hindi marunong mag-Tagalog ang guy at wala naman siyang dalang maraming Ingles.

We’ll tell you, more about the guy next time.
*****
Hindi lamang ang mga bayolenteng eksena ang naging dahilan para bigyan ng X ng MTRCB ang pelikulang Eskort ng Manoli Films kundi maging ang mga sexy scenes ni Barbara Milano.

Hindi lamang naman si Isabel Granada ang naging biktima ng rape sa pelikula kundi maging siya rin at para magawang reyalistiko ang nasabing eksena, kinailangang magpakita siya ng boobs not once but 12 times! Palabas na ang movie today na binigyan ng ratings na R-18.

Kasama rin sa pelikula sina Trovador "James" Ramos, John Regala, Gladys Reyes, Raymond Keannu, Brando Legaspi, Fred Moro, Mark Lapid, Melonie Kaye at Arianne dela Riva.

Samantala, humanga ako sa kakayahan sa martial arts ni Trovador "James" Ramos, nang mapanood ko ang Eskort sa isang special preview na ginanap sa Sampaguita Studio.

Hindi nga ako makapaniwala na nagagawa ni James na maglakad sa pader nang walang tali. Medyo nga yata na-offend pa siya nang tanungin ko kung walang daya ang nasabing eksena.

"Ipakikita ko nga ang eksena sa hulihan ng movie para malaman ng manonood na wala akong double at walang ginamit na gadget para dito. Walang tali!" diin niya.

Maraming mga ibang mga action stars ang mai-insecure sa bagong action star once Eskort is shown. Magaling siya sa martial arts.
*****
Hindi nakapagtataka kung halos ay ayaw nang balikan ni Ofelia Sajo Angeles ang pelikula. Lubhang abala siya sa kanyang negosyo na Admiral Maritime Training Institute of the Philippines Inc., isang family corporation na kung saan ay siya ang tumatayong pangulo. Ang AMTIP ay isang training school para sa mga shipping companies at lahat ng seafarers o sumasakay ng sasakyang pandagat.

Magdiriwang ang AMTIP ng kanilang ika-5 anibersaryo sa buwang ito.

Kasama ni Offie na nagpapalakad ng AMTIP ang dalawa niyang anak na lalaki na tumatayong ikalawang pangulo ng kumpanya. May dalawa pa siyang anak na babae pero ang mga ito ay may sari-sarili silang pinagkakaabalahan.

Bago ang AMTIP ay lumabas sa ilang pelikula si Offie gaya ng Maria Luisa Brigade at Diablo Force na kung saan ay nakasama niya sina Ronnie Ricketts, Charlie Davao at marami pa. Nakasama rin siya sa pelikula nina Christopher de Leon at Lorna Tolentino. Nagkaroon din siya ng regular show sa TV, ang Yagit at Kahapon Lamang.

Bagaman at kung minsan ay nararahuyo siyang balikan ang pag-arte, hindi niya ito magawa sapagkat isang araw na mawala siya sa kanyang opisina na matatagpuan sa Sta. Cruz, Manila na kung saan ay matatagpuan din ang kanyang mga iskwelahan, ay malaking kakulangan na sa kanyang negosyo. Matatagpuan siya sa kanyang opisina simula alas-7:00 ng umaga hanggang 8:30 ng gabi. Nang araw na puntahan ko siya ay namimilipit siya sa sakit ng tiyan pero naro’n pa rin siya at nag-aasikaso.

"Dito na muna ako. Tutal,yung paglabas ko sa pelikula ay katuwaan lamang. Tiningnan ko lang kung pwede ako," aniya.

Sa huling Linggo ng buwang ito ay isang marangyang double celebration ang gaganapin sa Floating Casino bilang anniversary celebration ng kanyang kumpanya at bilang pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Show comments