Lalo na sa bagong bansag sa kanya na "bold star". Lumabas na ang konsentrasyon ng publicity niya para sa pelikula ay nakatuon sa kontrobersyal na eksenang ginawa sa pelikula.
Bagaman at nagsisimula pa lamang ang publicity na lumalabas para sa pelilkula, damang-dama na niya ang impact nito sa kanyang image na talagang patungo na sa pagiging bold star.
Ang eksenang tinutukoy ay ang pagpapakita niya ng kanyang malusog na dibdib sa pamamagitan ng pagpapadede ng sanggol sa harap ng kamera. Mayro’n pa rin silang maiinit na eksena ni Jomari Yllana at isa pang Japanese actor.
Bihira sa mga kabataang artista na nasa kategorya ni Mylene ang papayag sa ganung eksena. Napaka-wholesome ng kanyang image. At bata pa siya para sa gano’ng role.
Pero, inamin ni Mylene na hindi siya nahirapang magpasya na tanggapin ang role. Binasa muna niya ang script bago sila nag-usap ni direktor Gil Portes. Wala na siyang kinunsulta pang ibang tao. Na in love agad siya sa role.
Ang Best Alternative Recording ay nakuha ng Parokya ni Edgar para sa awiting "Inuman Na". Nabigyan ang APO ng Best Novelty Recording para sa "Telephone Pal", isang komposisyon ni Danny Javier at prodyus ni Jim Paredes.
Ang Best Performance by Child Recording Artist award was won by Gary V.’s daughter, Kiana Valenciano, para sa "Once Again It’s Christmas." Pitong taong gulang lamang si Kiana. Ang kanyang awitin ay nanalo rin ng Best Christmas Recording. Si Gary V and composer at producer nito.
Sabi sa dyaryo, mga mahigit sa isang milyon lamang ang expected pero, lumagpas pa siguro ito. I’m sure ang mga kalaban ni ERAP ay namimilipit sa inis sa kanilang kinauupuan. Ano kaya ang susunod nilang gagawin? Kung ako sa kanila, hihintayin ko na lang na matapos ang impeachment proceedings. Kung mapatunayan siyang may sala saka siya parusahan. Kahit ikulong pa.
Bakit ba nagmamadali ang kanyang mga kalaban? Sa kanilang pagmamadali ay may mga nasasagasaan sila. Sa halip na makakuha sila ng simpatya ng tao, marami ang nagagalit sa kanila. Nakikita ang mga motibo nila which is mostly political. Hindi ngayon ang panahon ng pamumulitika. Dahil sa pulitika ay nagkakawatak-watak tayo. Marami ang gumagawa ng masama. Nararapat silang parusahan. Pero, huwag pangunahan ang batas. Sabi nga nun ni Kristo, kung sino ang walang bahid dungis, siyang magpukol ng unang bato.