Aiko, binisita si Jomari

Binisita ni Aiko si Jom sa Kiss Muna, Sabado, 8:00 p.m. di para bantayan ang mister niyang si Jomari Yllana sa mga seksing bebot sa cast, kundi para maging ispesyal na panauhin na makikigulo sa isa na namang riot na episode.

Si Lovely (Aiko) ay account executive ng Saplot magazine, na gustong i-feature ng X-Appeal shop. Pero nang magpunta siya sa shop, nakita ni Lovely si Third (Jom) at dali-dali siyang tinamaan ng pana ni kupido. Ang poblema, si Third ay boyfriend na ni Jojo. Yun nga lang ay walang nakakaalam nito dahil secret lang muna ang relasyon ng dalawa.

Puspusan tuloy ang panliligaw ni Lovely kay Third para makuha ang matamis niyang "oo". Ang tanong: Magiging tapat ba si Third sa iniibig niyang si Jojo o babalik siya sa kanyang pagiging palikero?

Alamin ang sagot ngayong Sabado, 8:00 p.m. sa Kiss Muna ng GMA kung saan puwede n’yong i-kiss goodbye ang inyong mga problema.

Show comments