^

PSN Showbiz

Isang educator ang magaling na aktres

-
Nang pasukin ni Rustica Carpio noong 1976 sa pamamagitan ng klasikong Nunal sa Tubig, sabi ni Ishmael Bernal, "Her entrance is one good thing that happened in Filipino movies."

Hindi nga malilimutan ni Rustica ang una niyang pelikula. Nagtuturo siya noon sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila nang mapanood siya ni Bernal sa stage plays doon. Nakapagturo rin si Bernal sa nasabing pamantasan.

"Bernal was a good friend, siya ang masasabi kong paboritong direktor na nakatrabaho ko," sabi ni Rustica na kinapanayam ko sa PUP noong Martes. "Bago yan ma-heart attack, dinalaw ko pa yan sa ospital sa Mandaluyong dahil pumutok ang kanyang appendix."

Ayon kay Rustica, paano ba niyang malilimutan ang Nunal sa Tubig eh halos lahat ng nakasama niya rito ay patay na gaya nina Ella Luansing at George Estregan, pati na nga si Bernal mismo?

Paano ba namang hindi dadakilain ni Bernal ang pagpasok ni Rustica Carpio sa pelikula kung ang pagbabatayan ay ang edukasyon nitong natapos?

Nagtapos ng AB English si Rustica sa Manuel L. Quezon University, magna cum laude. Kumuha siya ng Master of Arts in Education, major in Speech Education sa New York University, USA. Tapos siya ng doctoral course, Ph. D. in Literature, Meritissimus, sa University of Santo Tomas.

Tatlong beses siyang naging dean. Dean of Student Affairs sa PLM. Siya ang kauna-unahang dean ng College of Mass Communication sa Polytechnic University of the Philippines at sa kasalukuyan, Dean of Graduate Studies sa PUP pa rin.

Noong 1982, kasama ang pangalan ni Rustica Cruz Carpio sa World Who’s Who of Women by the International Biographical Center of England.

At ngayon, ang pinakahuli niyang nagawang pelikula ay ang Arayyy! ng Seiko. Paano kaya natatanggap ng kanyang mga estudyante at kapwa propesora na lumabas siya sa ganitong klaseng pelikula? "So far, wala naman akong masamang papel na ginampanan, eh! Ke mabuti, ke salbahe, I did my best, for the sake of art. Hindi ko naman alam, unang-una, kung bold film ang gagawin kong pelikula dahil inaabisuhan lang nila ako kung anong klaseng pelikula ang gagampanan ko, gaya dito sa Arayyy, ulyaning lola ako ni Ana Capri.

"Pag napapanood ako ng mga estudyante ko sa sine, natutuwa naman sila. Humihingi pa nga sila ng pases. Ang mga estudyante ngayon, they prefer practitioners than those who only profess theories."

Ang totoo, pag-amin na rin ni Rustica, nami-miss niya ang acting kapag pagiging educator lang ang inaatupag niya. "Grade five pa ako noon sa Paombong, Bulacan nang magbida ako sa stageplay, Princess Chrysanthemum. Ako ang prinsesa doon. That was in 1941, before the war."

Seventy (70) years old na ngayon si Rustica, ilan sa nirerespetong lumalabas bilang character actress. Ang dami niyang manliligaw noong bata pa siya. Pero wala siyang nakatuluyan ni isa man. "Pati ba lovelife ko, isusulat mo pa?" tanong niya na parang biglang naalarma. Napahinuhod din siyang magkuwento matapos ang paliwanag ko nang konti.

"Actually, I had 3 boyfriends before, pero one at a time lang yon, a," nangingiti niyang pagtatapat. "I started having suitors at the age of 21, nag-aaral pa ako sa MLQU noon. Yung pinakahuli kong naging boyfriend, tumagal kami ng six years. Hindi ako natuloy na magpakasal sa kanya, kasi, I chose to study in America. Hindi na ako maka-back out noon because I already signed a contract. I was a Fulbright scholar that time. Yung pagkakalayo namin ng boyfriend ko, nasa States ako, nandito siya, ang naging dahilan kung bakit hindi na ako nakapag-asawa pa. Kasi, pagbalik ko naman sa Pilipinas, naging busy ako sa teaching, sa acting, writing at stage directing.

"Noon syempre, pag naaalala ko yung pangyayaring yon, nalulungkot ako. Pero ngayon, wala na. Now, I enjoy my single blessedness. Sanay na ako sa independent life. Masaya na ako sa buhay ko, sa pagtulong sa mga pamangkin ko at mga apo."

Para kay Rustica, ang pagtuturo ay isang misyon samantalang ang pag-arte ay pagpapahayag ng sining. "I did not find any difficulty in adjusting to showbiz people. They are all nice naman. Some of my good friends are in the movies and television."

Walang problema sa pakikisama pero sa pakikipagtawaran sa kanyang talent fee, "Eh hindi naman nawawala yung tatawaran ang asking price mo, eh. Per day nga lang ang bayad sa akin. Anyway, I am being handled by Boy Abunda right now. Siya na ang nakikipag-negotiate sa akin ngayon. In the past, si Zeny la Torre ang nagma-manage sa akin."

Panganay sa apat na mgkakapatid si Rustica. Puro propesyonal ang kanyang mga kapatid, isang lalake, dalawang babae. "Supportive naman silang lahat sa acting career ko," sabi ni Rustica. "Natuwa rin sila nang makarating ako ng China dahil we presented a play there, actually dalawang stage plays yon, Nag-iisa sa Karimlan at The New Yorker in Tondo, nilibot iyon sa Beijing, Nanjing at Shanghai. Very receptive ang Chinese audience. I learned that in China, Tagalog is taught in some schools. Kasama ako sa cast, actually, lima lang kami in both plays. I directed both plays. We had less than 10 performances."

Noong teenager pa siya noong 50s, paborito niyang aktres si Ingrid Bergman. Sa mga artistang lokal, nahuhusayan siya kina Nora Aunor, Albert Martinez at Perla Bautista. "Na-nominate ako noon for best supporting actress from FAMAS at si Perla ang nanalo noon, 1979. I was nominated for Menor de Edad, si Perla, sa Alamat ni Julian Makabayan. She deserved to win, talagang magaling siya."

Sabi ni Rustica, mabigyan sana siya ng papel na talagang challenging, gaya ng napupunta kay Mona Lisa. Pero inspirasyon pa rin sa kanya ngayon ang namayapang si Mary Walter. "I don’t have any intention to stop acting hanggang binibigyan pa ako ng Diyos ng lakas. Bakit si Mary Walter, umabot na ng edad 82, umaarte pa rin noon? I told some people in the university, I want to be one of the successors of Mary Walter," pagtatapos niya.

AKO

BERNAL

MARY WALTER

NOON

RUSTICA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with