Pinabulaanan ng ama ni Jolina ang balitang hindi siya payag na ikasal sa pagtatapos ng istorya sina Jolens at Marvin Agustin. "Hindi naman ako nakikialam sa takbo ng istorya. Kaya lang, bida rin si Onemig Bondoc sa kanilang love triangle kaya mas makabubuting wala siyang pakasalan sa dalawang aktor," ani Jun Magdangal.
Kung natapos na ang Labs Ko Si Babe ay may papalit namang bagong show excited na ang singer-actress dahil once a week lang ito. Ang bagong programa ay tipong ala-Carol Brunette show na magpapamalas sa versatility ni Jolina.
Masayang ibinalita ng kanyang manager na ang nakaraang apat na shows nito sa Amerika ay tinangkilik ng mga tao roon at puno lagi ang venue. Sa November 15 ay may tatlong shows ito sa Hawaii-isang major solo concert sa Honolulu at dalawa sa Kawai. May offer din para mag-concert ito sa Australia ngayong Disyembre.
Ano ang birthday wish ni Jolens? "Sanay magkaroon ako ng peace of mind, patuloy na gumanda pa ang career at sanay makaalpas na sa mga intriga. nagpapasalamat ako sa lahat ng biyayang natatamo ko," aniya.
Inamin din ni Pops na malaki ang naitulong ng direktor na si Erik Matti noong siya’y nag-workshop.
Baka nga ang pelikulang ito ang magbigay ng acting award sa aktres. Consistent din ang galing sa pag-arte nina Albert Martinez, John Arcilla at Diether Ocampo. Magaling din ang ibang kasali sa cast at malinis ang pagkakagawa ng pelikula. Tama ang sinabi ni Pops na hindi siya nagdalawang salita nang tanggapin ang pelikula kahit napaka-daring niya rito dahil challenging ang papel na ginampanan niya at sa kanya umikot ang istorya.
Pinabulaanan ng kanyang manager ang balitang tatakbo nang hubo’t hubad sa New York ang magandang aktres dahil wala ito sa script at wala ito sa kasunduan nila ng prodyuser ng said movie. Isa pa, hindi rin papayag ang manager na tumakbo ito nang nakahubad sa Times Square.
Nang umalis si Priscilla ay masama ang loob nito dahil sa kumalat na photo nila ni Tonton Gutierrez sa internet.
Nagsimula ang aktres na isa sa bida ng Ang Gusto Ko Sa Lalaki sa maraming commercial kabilang na ang San Miguel, PLDT, Rejoice shampoo at iba pa. Naging ramp model din siya. Una siyang kinontrata ng Viva Films for three years para sa sampung pelikula pero isa lang ang nagawa niya. Feeling niya’y hindi siya pinahalagahan ng kompanya kaya naging frozen delight. Mabuti na lang at nabigyan siya ng big break ng Starlight Films kung saan pinapirma siya ng kontrata para sa anim na pelikula for three years. Tapos si Stella ng Hotel & Restaurant Management sa PWU. Naging stewardess siya ng Saudia Airlines kung saan tumira siya sa Jeddah ng dalawang taon. Nagtrabaho siya sa isang kingdom pero pinag-resign ng nobyo. Ngayon higit siyang maligaya dahil matagal na niyang pangarap na pasukin ang magulong daigdig ng showbiz. Sa pelikulang Ang Gusto Ko Sa Lalaki ay siya ang nagbibigay ng payo sa dalawang kabarkadang sina Via Veloso at Pamela Ortiz.
Ang aktor din ang may ideya ng istorya kung saan siya rin ang line producer. Ang istorya ay tungkol sa tatlong magkakaibigan na iba’t iba ang lahi na pangungunahan nina Troy Montero, John Arcilla at Kenji Marquez. Ang episode ay may pamagat na Tatlo na tatalakay sa paksang pagkakaibigan na magaganap noong panahon ng giyera.
Excited na si Albert dahil baka sa susunod ay makapagdirek na rin siya sa pelikula. Muling hahangaan ang aktor sa mahusay na pagganap sa Gusto Ko Nang Lumigaya with Pops Fernandez at kasalukuyang nagsusyuting ng A-Ba-Ka-Da-Ina katambal si Lorna Tolentino under Viva Films.
Nakalinya ang mga pelikula nitong mga sexy movies kung saan malapit na siyang bigyan ng solo movie ng isang kompanya.