Glydel, wala ng problema kay Annabelle Rama

Tanggap na rin ni Annabelle Rama si Glydel Mercado. Last birthday ni Annabelle, kasama ni Tonton si Glydel.

Matatandaang nagpalitan ng masasamang salita sina Glydel at Annabelle ng makasama ni Glydel si Eddie Gutierrez sa remake ng Mister Mo, Lover Ko kung saan nagkaroon ng love scene ang dalawa sa pelikula na ikinagalit ni Annabelle.

Sinabi noon ni Annabelle sa national television na siya ang dahilan kung bakit nasa showbiz si Glydel.

At ngayon ay baligtad ang kuwento kay Glydel. Siya naman ngayon ang nagagalit kay Tonton dahil sa love scene nina Tonton at Priscilla Almeda sa Syota ng Bayan.

Show comments