^

PSN Showbiz

Si Richard lang ang matapang

-
Kung ano man ang kahihinatnan ng kasalukuyang masalimuot na political process na kinakaharap ng bansa, siguro ang ipinagmamalaking solidarity ng movie industry people ay unti-unti nang mabubuwag. Kunsabagay, sa ngayon wala pang tunay at maimpluwensiyang mga artista maliban sa ilan tulad ni Richard Gomez at lumalantad ng suporta, pero obvious naman ito dahil he is a presidential appointee. Natural lang na ang mga actor politicians na out of presidential favor nitong mga nakaraang taon gaya nina Rey Malonzo, Lito Lapid, Joey Marquez ay samantalahin ang mga developments para mas tumatag ang kanilang political clout. Pero bilang mga movie industry members, hindi naman siguro dapat ganoon kalawak ang kanilang impluwensiya para makahimok ng mas marami upang tumiwalag ng suporta sa presidente.

Sa palagay ko lang, ang talagang may hawak ng power sa movie industry ay yung malalaking producers, yung tunay na box-office stars, at mga iginagalang na mga direktor at miyembro ng Film Academy of the Philippines–pero pinakaimportante pa rin ang mga producers na humahawak ng budget ng pelikula, ang mga producers na gumagawa ng mas maraming pelikula.

Sa tingin ko lang base sa kanilang ipinapakitang production schedule, ang mga influential production companies ay Viva Films, Millennium Cinema, Solar Films, Star Cinema, GMA Films, Seiko Films at hindi pa rin puwedeng ipuwera ang Regal Films ni Mother Lily Monteverde kahit mas interesado yata siya ngayon sa pagpapalakad ng kanyang real estate companies kaysa Regal Films. Kabubukas lang umano ng kanyang theater complex sa Alabang, eh di kailangan niyang gumawa ng pelikula upang may maipalabas siya doon, di ba?’

I am told that Millennium stays in the business whether President Erap stays in power or not since the company has acquired a lot of state of the art equipment for future productions. Star Cinema and GMA Films have also acquired modern technology for their film projects and have established satellite companies to anticipate their production’s technological requirements like visuals, sounds and special effects.

Big time movie producers would want as much as possible to maintain a neutral stand because they all have to deal with government in one way or another in the course of their business. Mas mabuti siyempre ang wala kang kagalit. Eh dito pa nga naman sa atin na magkaroon ka lang ng difference of opinion, dahilan na yon para kayo maging mortal na magkaaway.

Natural lang gaya sa ibang industriya ang loyalty at sympathy ng mga tao ang naroroon sa kumpanya at mga opisyal sa kanilang pinaglilingkuran. Lalo nga at kung hindi ka naman naaapi sa iyong puwesto at mabuti ang trato sa iyo, ang politics at policies ng kumpanya ay hindi mo na karaniwang pinakikialaman.

vuukle comment

FILM ACADEMY OF THE PHILIPPINES

FILMS

JOEY MARQUEZ

LITO LAPID

MILLENNIUM CINEMA

MOTHER LILY MONTEVERDE

REGAL FILMS

REY MALONZO

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with