Lovely, ayaw mag-bold !

Napakaseksing tingnan, napakaputi, malaking babae, lalo’t nagpi-perform sa stage ang teen-star na si Lovely Mansueto. Noong mag-guest sa Express 2000 sa Maharlika Hall Casino Pilipino, lumulutang ang kaseksihan ni Lovely sa kasuotang black.

Super ikli ng kanyang suot at tanaw na tanaw ang kanyang kaseksihan. Maraming nanood na mga Chinese family friends nila sa Binondo dahil may trabaho sa Binondo church ang ama niyang si Manding Mansueto. May mga balitang papayagan na rin siyang magpa-sexy ng ama na kilala sa pagiging conservative.

"Ayokong maghubad ang anak ko. May trabaho pa kaming mapagkakitaan. Sixteen lang si Lovely at hindi puwedeng sumabak sa ganitong uri ng pag-arte. Seksi role ang puwedeng gampanan niya, pero yung ipakikita ang lahat, no way," sabi ng ama ni Lovely.

Show comments