Brando Legaspi, tahimik na action star

Masaya si Brando Legaspi. Kahit paano kasi, tuloy tuloy ang paggawa niya ng pelikula. Sunud-sunod ang ginagawa niyang pelikula kabilang ang Eskort ng Manoli Films. Action na action na naman ang role niya dito, kasama sina Trovador "James" Ramos, Jr., Mark Lapid, Isabel Granada, Barbara Milano, Gladys Reyes at John Regala. Matitindi ang mga fight scenes nina Brando sa naturang pelikulang produced ng Manoli Films.

Sa kanilang tatlong magkakapatid, si Brando ang pinakamataas at simpleng kumilos. Tahimik lang siya pero kapag nagsalita ay may sense. Malalim ang kuwento niya. Tahimik, aakalain mo tuloy na suplado si Brando.

Paminsan-minsan pala, sumasama siya sa mga kapatid na mag-Bible reading. No comment siya sa isa isyung Zoren-Carmina Villaroel. Ayaw makisali ni Brando kahit kapatid ang involved. Personal daw ito. May sarili rin siyang buhay. – Vir Gonzales

Show comments