Sayang yung istorya na ibinenta ng isang magaling na direktor sa isang bagong independent movie outfit. Binili nga ito sa kanya pero baka hindi ito gawing pelikula o kung gawin man ay hindi sa kanya ipagawa. Tumutol kasi siyang makipag-negotiate sa tumatayong line producer ng outfit. Mas ginusto niyang kausapin ang mga tunay na may-ari na naging interesado sa kanyang isinulat. Ini-refer nila siya sa kinuha nilang line producer pero tumanggi siya. Sinabi niya na ayaw niyang makipag-usap sa kung sino lamang. Sila ang gusto niyang maka-negosyo. Sa kasawiang palad ay narinig siya ng line producer. Binayaran nito ang kanyang istorya pero sinabi na mayro’n na siyang napipisil na iba para mag-direct ng kanyang istorya sa pelikula na tatampukan ng mga malalaking artista.
Talagang pinatutunayan ni
Sunshine Cruz na katulad din siya ng mga pinsan niya na nauna nang mag-asawa.
Ayaw niyang maglalabas ng bahay di paris nun na panay ang raket niya.
Tamad na tamad siya at madalas ay naro’n lamang sa Scout Rallos residence ni
Cesar. Ibibili siya nito ng bahay sa La Vista at baka sakali na sipaging muli si Shine kapag may bahay na siyang sarili na kailangan niyang ayusin.
Ikatlong beses na akong pinapasok ng ulan sa bahay. Nung dalawang una ay dahil umapaw ang sapa na nasa likod ng aming bahay. Yung ikalawa ay nabara ang sapa at ang tubig na dapat umagos dun ay humanap ng daan sa kalsada at dun dumaan sa harap ng aming bahay. Sa parehong pagkakataon lumubog sa tubig ang mga kasangkapan ko. Sa ikalawang pagbaha, I had to rush my children to a neighbor’s place.
Nung Biyernes, halos umapaw lamang ang sapa. At dahil palagi itong nililinis, hindi ito nabara, walang naging baha pero dahil nagpapagawa ng bahay ang kapitbahay ko at ang bahay ko ay bahagi ng isang rowhouse, kaya siguro naapektuhan at inagusan ng tubig ulan ang mga dingding. Bumaha muli. Wala namang magawa yung mga karpintero kundi ang mangako na reremedyuhan nila ito sa lalong madaling paraan. Meaning kapag hindi na umuulan at wala nang bagyo. Pero, nabasa na ang bahay ko, ang mga gamit ko.
Kung gusto n’yong mapanood ang
FAT concert ni
Aiai delas Alas na pinamagatang
Abuse Me ay magmadali na kayo.
Mabilis maubos ang tiket para dito na mapapanood sa
November 11, 8:30 ng gabi. Kunsabagay bakit nga hindi ito tatauhin eh nakakatawa namang talaga itong si Aiai as proven by the first two birthday concerts.
In fact, yung pinaka-huli niya ay maraming tao ang hindi nakapasok ng FAT. Nagkasya na lamang sila sa pakikinig ng happenings sa loob sa pamamagitan ng isang loud speaker na sinadyang ilagay ng FAT para sa mga hindi nakapasok.
Kasama ni Aiai sa show sina
Ara Mina, Bituin Escalante, Mark Anthony Fernandez, Ogie Alcasid, The Streetboys at Whiplash Dancers. Direksyon ni
Floy Quintos. Nanalo sa ginanap na
Oktoberfest Extravaganza ng Calle 5 Food Zone Band Showdown ang
Maranatha Band, 1st prize,
D’Sparks 2 Band, 1st runner-up at
Fox Mover Band, 2nd runner-up.
Ang judges ay sina
Jack En Poy ng
Alpha Records at
Marvin Taningco, sales supervisor ng San Miguel Corp. Naging emcee si
Bert Dominic.
Ang sponsor ay San Miguel Draft Beer.