^

PSN Showbiz

Sex photo sa Internet ni Priscilla, isang inside job ?

-
Masamang-masama ang loob ni Priscilla Almeda dahil napunta sa internet ang still photo ng mainit nilang eksena ni Tonton Gutierrez sa pelikulang Syota ng Bayan. Nagtataka ang magandang aktres kung paano ito nakalusot gayung wala namang still photographer nang kunan ang kanilang love scene ng aktor.

May katwiran para magalit si Priscilla dahil ang larawan ay nagpapakita sa aktor na nakasubsob sa pinakapribadong bahagi ng kanyang katawan. Kung walang still photographer na naroon nang kunan ang eksena ng dalawa ay may palagay ang seksing aktres na ito’y isang inside job.

Masaya ngayon ang lovelife ni Priscilla dahil mahal na mahal siya ng kanyang nobyong si Jon-Jon Osmeña. Hindi totoong ang boyfriend niya ay si Colby Moreno na kapatid ni Troy. Kahit nasa Cebu ang nobyo ay madalas siyang dalawin nito sa Maynila. Siguradong tutulong si Priscilla sa pangangampanya sakaling pumasok sa pulitika si Jon-Jon.
Bayani magpapasko sa japan


Kapag natuloy ang plano ay baka isama ni Cesar Montano si Bayani Agbayani sa Japan para sa isang show. Baka doon na sila abutin ng Pasko. Bukod sa pagiging komedyante ay may balak ding maging direktor ni Bayani at gusto niyang gawin yong mga fantasy-comedy movies. Tapos siya ng Mass Communication kaya may fall back siya sakaling hindi na aktibo sa pelikula. Pwede siyang magtrabaho sa likod ng kamera.

Ano ang dream movie ni Bayani? "Gustung-gusto kong makagawa ng pelikula na ang tema ay gaya ng Big -Daddy," aniya.
Paghahanap ng dream girl


Maraming nakakatawang eksena sa pelikulang 100 Girls na tinatampukan ni Jonathan Tucker na gumaganap sa papel na Matthew, isang freshman student. Naka-sex niya ang kanyang dream girl sa isang elevator pero hindi niya nakita ang mukha nito dahil nag- brownout.

Nagsimula siyang maghanap sa isangdaang female suspect. Kung matatandaan ang unang pelikula ni Tucker ay sa Two If by Sea na tinatampukan ni Sandra Bullock at ito’y isang komedi. Gumawa siya ng malaking pangalan noong 1996 sa drama na pinamagatang Sleepers bilang isa sa apat na kabataang lalaki na nakagawa ng malalaking pagkakamali sa kanilang buhay.

Tamang-tama ang tema ng pelikula na tiyak na kalulugdan ng mga kabataan. Ang 100 Girls ay ipalalabas sa Nobyembre 8 mula sa Solar Films.
Buntis na si Sheryl


Natutuwa ako sa balita ng isang taong malapit kay Sheryl Cruz na dalawang buwang buntis na ang aktres. Limang taon na silang kasal ni Norman Bustos. Mahaba ring panahon ang pinaghintay ng mag-asawa bago natupad ang kanilang pangarap na magka-baby.

Hindi naman nainip sa paghihintay ng pagbubuntis si She dahil naging abala siya sa pag-aaral ng computer at kumakanta rin kapag naiimbitahan sa mga shows sa US at sa Japan. Naging ramp model din siya sa ilang key cities sa Amerika.

Paolo, crush si Pops
Inamin ni Paolo Bediones na matindi ang crush niya kay Pops Fernandez. Kaya lang nang mag-asawa na ito ay kinalimutan niya ang kanyang damdamin dito. Ayon kay Paolo, na kay Pops ang mga katanging hinahanap niya sa isang babae-maganda na at matalino pa.

Ngayong hiwalay na sina Pops at Martin ay malaya na ang aktres, ’di kaya ligawan ni Paolo si Pops? Bagay silang dalawa di ba?

Bobby Colet may programa nasa DWAN
Pang isang taon sa bansa ang balik-bayang TV host na si Bobby Colet pero heto’t may programa na siya sa DWAN (1205 khz) na sinimulan noong Linggo, Oktubre 29, mula ika-siyam hanggang ika-sampu ng umaga.

May kakampi na nga ang taga-barangay sa buong bansa dahil sila ang puntiryang kalampagin ng "Ugnayan sa Barangay With Bobby Colet."

Sa unang bahagi ay itatampok ni Bobby ang isang awtoridad para siyasatin ang mga delikadong paksa na may kaugnayan sa buhay ng masa. Sa huling bahagi naman ay katalamitam ni Ginoong Colet ang mga sikat na artista, na mangungumpisal ng mga bagay na hindi pa alam ng publiko tungkol sa kanila.

Palibhasa’y tipong artista rin, pinasok na ni Bobby ang larangan ng pagpoprodyus. Ngayong Nobyembre 9 ay ipapalabas niya ang Chubby Chuckles, isang konsiyerto na tatampukan ng komedyanteng si Marissa Sanchez.

Gaganapin ang Chubby Chuckles by Marissa Sanchez sa Downtown ng Hotel Rembrandt.

vuukle comment

BAYANI

BOBBY COLET

CENTER

CHUBBY CHUCKLES

ISANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with