Ang problema ni Jericho

Akala ng marami kasali sa promo ng Pangako Sa ‘Yo ang balitang malapit nang maging ama si Jericho Rosales. Siya ang headliner ng nasabing teleserye na magsisimula sa Nob. 13, 7:00 ng gabi sa ABS CBN. Silang dalawa ni Kristine Hermosa. Isang babae na nagngangalang Kai ang nagtuturo sa kanya bilang ama ng sanggol, na dinadala nito sa kanyang sinapupunan. Pero, hindi ito tahasang inaamin ng kabataang aktor. Bawat salita niya ay may pasubali, parang di niya tiyak kung aamin siya o hindi.

Sa aking palagay naman, totoo man o hindi ang balita, hindi ito makakasira ni bahagya man sa status niya bilang isang mahusay na aktor. As if naman, kinse anyos lamang siya when in fact he is in his 20’s, old enough to sire a child. And to provide for one. May hanapbuhay naman siya. If he’s old enough to make love to a woman, dapat mature siya na tanggapin ang magiging consequence ng kanyang aksyon. Dapat pag-usapan nila ito ng mahusay. Kung hindi pa siya handang panagutan ito, kailangan sigurong magsabi siya. Hindi naman siya mapipilit na magpakasal but he has to acknowledge his child. Hindi habang panahon ay maitatanggi niya ito. It’s not only unfair to the girl, but to his child as well. Hindi naman siya ang kauna-unahang artistang lalaki na magiging isang ama out of wedlock.
*****
Naiyak na naman ako sa pelikulang Men of Honor, ang pelikula na muli ay magpapakita ng kagalingang umarte nina Robert de Niro at Cuba Gooding Jr. Matatandaang nanalo ng Best Supporting Actor si Gooding sa Jerry Maguire at si De Niro naman ay may Best Supporting Actor mula sa The Godfather ll at Best Actor sa Raging Bull. First time na magkasama sila sa Men of Honor at pinainit nila ang eksena sa kanilang unang pagsasama.

Sana mapanood ng marami nating government official at maging ng military ang period film na ito na nagsasaad ng kabayanihan ng mga miyembro ng navy nung panahon na malakas ang racial discrimination sa US at ang mga maiitim ay itinuturing na mababang uri na nilalang ng mga puti.

Si Carl Brashear si Gooding, Jr. , anak ng isang magsasaka na lumaki sa paniniwala na walang makakahadlang sa kanyang pangarap. Dalawang taon bago siya natanggap na diver sa navy.

Si De Niro si Billy Sunday, ang kanyang training officer, na palagi siyang sinusubok para siya sumuko pero hindi ito nangyari.

Nang maputol ang isang paa ni Carl, si Sunday ang tumulong sa kanya na labanan ang namamayaning bureaucracy sa navy.

Maganda yung mga eksena ni Carl habang ini-ismol siya ni Sunday.

Nakakaiyak yung eksena sa military court nilang dalawa versus the navy officers na ayaw payagan na bumalik sa active duty si Carl dahilan sa pagkakaputol ng kanyang isang paa.

Show comments