Kirot Ng Unang Pag-Ibig Nina Nini At Ana

Aminado ang dalawang bida sa pelikulang Arayyy! ng Seiko Films na dinanas na rin nila ang hapdi at kirot na bunga ng pag-ibig. Napa-arayyy na rin daw sila dahil sa pagmamahal.

"Nu’ng nag-break kami ng first boyfriend ko na anak ni Rey Malonzo siyempre, masakit ‘yon sa akin. Feeling ko, sasabog ang dibdib ko no’n kasi teenager pa lang ako that time," say ni Nini Jacinto.

"But eventually, naging okey naman lahat. Natutunan ko na ang magpakatatag. Inisip ko na hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Kaya naka-recover agad ako," lahad ni Nini.

Sabi naman ni Ana Capri. "Ako, napa-aray talaga ako nu’ng ma-devirginize ako. Kaya lang, ang masama nito, nagkahiwalay din kami ng boyfriend ko at ‘yon pala ang pinakagrabeng sakit," kuwento pa niya. "But that’s part of life, eh. Lahat naman ng sugat, eh, naghihilom, di ba? Kaya madali ko na rin siyang nakalimutan. Now I’m happy na ulit!" pahayag pa ni Ana .

Si Don Escudero ang direktor ng Arayyy!





Show comments