^

PSN Showbiz

Uso pa ba ang male virgin ?

-
Isang grupo ng mga kabataang lalake ang humarap sa show na Jullie sa ABS-CBN noong Biyernes ng gabi at buong tapang na pinanindigan na sila ay pawang mga male virgins. Siguro naman hindi ibig sabihin noon ay lahat sila, walang karanasan sa anumang sex dahil napag-aralan naman natin sa eskuwela na hindi lamang ang pakikipagtalik sa opposite sex ang paraan ng sexuality.

Ngayon nga parang hindi na problema ang pagpapahayag ng problema tungkol sa sex, pero problema pa rin sa iba dahil bawat tao yata ay may individual problem at parang individual din ang solution. Wala naman talagang one solution to all problems kaya siguro kay daming movies about young people ngayon na ipinalalabas tulad ng American Pie, Friends & Lovers, The Pornographer, Where The Heart Is at ngayon naman ay ipapalabas din ang 100 Girls.

Young men and women these days are quite open their sex lives and sex problems pero marami pa rin ang konserbatibo ang approach sa problemang ito. Pero ang bottomline pa rin ng problema, parang ang solution–tunay na pag-ibig. Parang yan ang hinahanap ng lahat.

Yung mga male virgins sa Jullie ay iba-iba rin ang tunay na dahilan kung bakit they keep themselves pure -- by choice or by circumstances or because of the religious upbringing or their conviction that they should keep themselves for the women they will finally marry. Bilib din naman ako sa mga lalakeng may sariling convictions sa kanilang sarili at siyempre maaaring maging katawa-tawa sa ibang kapwa lalake ang masabing wala ka pang experience sa edad mong 25. Pero okey lang sa akin kung iyon ang conviction niya. More power.

At siyempre kung ako ang tatanungin, ang pinaka-safe at practical na sagot ay – whether virgin or not, basta I am in love with him and he loves me back. But I also know that it is not always as simple as that. Tulad nga sa pelikulang The Pornographer, ginagawang libangan ng pangunahing karakter ang sex para sa kanyang kakulangan sa buhay. Iyong hindi siya masaya sa buhay niya, sa paggawa ng malalaswang pelikula siya nagkakaroon ng fulfillment.

AMERICAN PIE

BILIB

BIYERNES

BUT I

ISANG

IYONG

JULLIE

NGAYON

PERO

WHERE THE HEART IS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with