Palarong Pinoy sa Luneta Park
October 30, 2000 | 12:00am
Nagpahayag ng pagsuporta ang singer na si Jayson Martinez sa Palarong Pinoy sa Luneta, project ni Engr. Jose Dion-Diaz ng Philippines Ingenous Games and Sports Saver Association Incorporated (PIGSSAI). Tuwing araw ng Linggo sa ganap na ika-2:00 ng hapon ay ginaganap ang pagtuturo ng libre ng ating mga larong Pinoy tulad ng arnis, jendo, sikaran at iba pa. Ayon kay Jayson Martinez, "Panahon na para bigyang pansin ang mga palarong namana natin sa ating mga ninuno. Nakakalungkot isipin na wala man lamang tayong malaking karangalang naiuwi mula sa katatapos lang na Sydney Olympic.
"Karamihan kasi sa mga sinusuportahan ng ating gobyerno ay mga larong hiram at mga larong banyaga katulad ng basketball, taekwondo, at iba pang laro na mula sa ibang bansa. Pero tayo, ang dami nating mga laro na hinahangaan ng mga turista lalo na tuwing may mga kapistahan, tulad ng basagan ng palayok, basagan ng itlog, luksong tinik, piko, patintero at iba pa.
"Gusto ko ring papurihan sina Master Jun Abaya ng Jendo, Master Pablito Balulot, Master Jun Ong, Annabelle Banaag at Che-che Sicopito na patuloy na nagtataguyod ng Sikaran. Sana naman ang gobyerno natin ay ganoon din".
Sa Linggo magiging panauhin siya kasama sina Gary Torres, the singing martial artist; Lalaine Gutierrez, Clark Martin, Rez Gutierrez, Dan Toraja, Ritchie Lao, Arch., Oscar dela Cruz at ang mga group dancers na New Campus Beat, Private Image, Street Jammers at Dance Track. Minsan pang inisip ni Jayson ang iniwang salita ni Gat. Jose Rizal ang "Nasa Kabataan ang Pag-asa ng Bayan" kaya dapat lang na ang Palarong Bayan ang ating itaguyod at pagyamanin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
21 hours ago
21 hours ago
Recommended