Kung natatandaan ay patern lamang sa sistema ang ginamit ng Hollywood noong malagay sa isang bingit ng pagkawasak ang kanilang movie industry. Dahil dito, naibalik ang Hollywood sa dating kasiglahan. Nagkakulay muli ito noong mga taong 1940 at 1950s. Nagkaroon ng sigla at kulay muli ang filmmaking sa Hollywood.
Ang sistema, ayon kay Boots ay ganito: bawat technician at mga manggagawa na sangkot sa produksyon ay obligadong mag-ambag. Ang kanilang share para maging ganap na kasapi sa kooperatiba. Ang magiging bayad sa kanyang serbisyo ang magsisilbing paunang investment niya.
"Bilang investor," patuloy ni Boots, "may karapatan ang isang kasapi na makatanggap ng share sa magiging tutubuin ng kooperatiba, sa pamamagitan ng rebates."
Ipinaliwanag ni Boots ang novel filmmaking system ay umiinog sa principle ng cooperatives, ang ipinagkaiba nga lang ay ang financing na magmumula sa labas. Lalo pat iisipin daw na napakalaking halaga ang kailangang puhunan, ang kooperatiba ang kailangang financing ay nagmumula sa labas. Gayunman, patuloy ni Boots, ang financier ay malayong makakuha ng kanilang share sa magiging tutubuin ngunit hindi lang sila puwedeng makialam sa ano mang mga desisyon ng samahan.
Ang financing para sa series of movies lined up for production ay magbubuhat sa isang grupo ng mga business entrepreneurs sa pangungulo ni G. Lito Marcos. Kasama sina Richard Villaflor, Rey Rocas, Jr., Atty. Aristodes Ruaro, Romeo Roncal Acosa, Baby Galido at Marilou F. Villaflor.
Nasabi ni direk Boots na sa sandaling makapagsimula na sila ng shooting ng kanilang first venture na isang comedy drama entitled Torotot na pangungunahan ni Leo Martinez at sa direksyon ni Boots Bautista ay mas marami pang cooperative groups ang magtatag at pagkatapos ay makiisa na rin para lalong maging matibay ang pundasyon ng sinimulan nilang samahan ang tanging pinakalayunin ang maibalik ang naglahong sigla at init ng paggawa ng pelikula dito sa ating bansa.