Malaki ang paniniwala ng Founder at President ng Center for Pop Music Philippines na si G. Butch Albarracin na ang pag-aaral at paghahasa sa pop singing ay hindi dapat nililimitahan sa loob ng studio kundi hinihikayat dapat ang estudyante na mag-concert. Dahil sa ganoong paraan ay isang malaking pagkakataon para sa isang estudyante para makapagtanghal tulad ng mga sikat na at paborito nilang mang-aawit.
Ang mga sumusunod na major concerts ay ang "Lakbay Musika" sa ika-4 ng Nobyembre, Sta. Cecilias Hall, St. Scholasticas College, Manila; "Kidstuff" sa ika-26 ng Nobyembre sa Phil. Medical Association (PMA) Auditorium, North Edsa, Q.C., "Centers Rhythm" sa sa ika-1 ng Disyembre, Greenhill Theatre, Ortigas; "Centers Angels" ika-8 ng Disyembre sa Music Museum, Greenhill Ortigas; "Kids in Fantasy" ika-9 ng Disyembre sa Music Museum, Greenhills, Ortigas; "Balik Tanaw" ika-16 ng Disyembre sa Hotel Rembrandt Penthouse; at "Silhouettes and Music" sa ika-19 ng Disyembre, Hotel Rembrandt, Q.C. si G. Albarracin mismo ang magdi-direct ng mga nasabing konsyerto.
Ang nasabing konsyerto ay bukas para sa publiko. Makakakuha ng ticket sa mismong venue bago mag-umpisa ang palabas o kaya magsadya sa Center for Pop Music Phils. sa #73 Erwin Garcia St., Cubao, Q.C. o tumawag sa 721-0714; 727-5293 at 4117310. Rene V. Reyes