Pelikuka ng kabataan
October 30, 2000 | 12:00am
Sa pelikulang 100 Girls iba naman ang trip at problema ni Matthew (ang lead character na ginagampanan ni Jonathan Tucker na nakilala sa pelikulang Sleepers at Two If By Sea). Nagkaroon ng blackout sa isang dormitoryo ng mga babae at siya ay na-trap sa elevator kasama ang isang babaeng hindi niya nakita ang mukha at sila ay nag-sex. Ang nangyaring problema, na-in love siya sa mahiwagang estudyante kaya ginawa niya ang lahat upang madiskubre kung sino ito. At ang problema pa rin ay kung makikila man siya, dapat ding mapa-ibig niya ito sa kanya. Ang tanging close niya ay si Wendy, isang babaeng former classmate sa high school na nakatira doon sa dormitory.
Tinulungan siya ni Wendy (Larisa Oleynik ng 10 Things I Hate About You) upang mahanap ni Matthew ang babaeng nagkaroon siya ng connection sa elevator. Siya ay nagpanggap na isang maintenance boy sa dorm upang umpisahan ang paghahanap sa misteryosang babae na ang tanging naiwan sa kanya ay isang underwear at kailangan niyang makapaglabas-masok sa dorm upang isa-isahin ang kuwarto ng mga isandaang babae at hanapin ang kapares ng underwear. Hindi siya nagtagumpay sa kanyang unang plano. Ngunit sa tulong ni Wendy, si Matthew ay nagpanggap din bilang babae at nakisalamuha sa mga tunay na babae upang alamin ang mga sikreto ng mga ito at baka sakaling isa rito ay mag-reveal na nagkaroon ng experience sa elevator noong nagkaroon ng blackout.
Nakilala niya si Dora (Marissa Ribis), isang outcast sa dormitoryo dahil sa pagiging nerd nito, si Arlene (Katherine Heigl) the competitive tomboy, si Patty (Emmanuelle Chriqui) ang playgirl, si Cynthia (Jaime Pressly) the goddess. Nalilito ngayon si Matthew at naging desperate kung kayat sinubukan niya na lamang mag-propose ng love sa mystery girl sa loob ng elevator sa pamamagitan ng pagsasalita in front of all the 100 girls. Siyempre humanga lahat sa kanya ang mga babae dahil sa kanyang sincerity at pagiging romantic kaya nag-unahan ang mga ito sa pagsasabing sila ang babaeng kanyang hinahanap. Maganda ito dahil puwede niyang piliin kung sino talaga ang kanyang gusto. Pero may isang babaeng hindi lumabas sa kanyang kuwarto kung kayat ito ay kanyang pinuntahan. Dito na mare-reveal kung sino talaga ang babaeng iyon, pero na-reject siya. Of course hindi doon nagtatapos dahil totoong mahal niya ang babae kaya nagpursigi siya upang huwag siyang tanggihan nito.
Ang 100 Girls ay maraming kuwela at nakakatawang mga eksena na siguradong papatok sa mga kabataan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am