"Iniwasan ko talaga ang magpa-double sa mga eksena ko. Kaya sa huling part ng movie, ipakikita namin ang ilan sa mga delikadong stunts na ginawa ko. Parang iyong mga movies ni Jacky Chan na ipinapakita kung paano ginawa iyong mga stunts para sa mga tao na walang dayaan. May mga sugat nga ako pagkatapos ng ibang stunts, pero okay lang, trabaho natin iyon," dagdag pa ni Trovador or James.
After this movie nga, maraming matatandaan ang mga tao dito, mga bagong eksena na tiyak na magugustuhan. Hindi lang iyong mga action scene pati na sa ilang mga eksena na magiging kwela sa mga makakapanood. Asked James kung ano ang pinakamahirap na eksena niya rito. "Nagbiro nga ako sa mga standby na do-double sa akin sa mga mapanganib na stunts, sabi ko sa kanila, hindi sila kikita sa akin dahil hangga’t kaya ko, gagawin ko. Before the scene kasi, kinausap ako ni gov. Lito Lapid, sabi niya sa akin, kailangan ipakita ko ang lahat dito. Gawin ko at pilitin na kopyahin ang aking father. He gave me also a good pointer and an example. Sinabi niya sa akin na noong siya na raw ang bida sa mga movies niya (earlier movies, launching) pinilit niyang lampasan lahat ng mga nagawa ng stunts sa pelikula. ‘Kung tumalon sila ng sampu, dose o higit pa ang aking gagawin’ James remembered as one of Lito Lapid’s words of encouragement for him. ‘Napakabait at laging handang tumulong sa kapwa si Gov.’ Tapos eto pa si Bro. John (James and John are both Iglesia ni Cristo). Tinitingnan niya iyong isa sa mga stunts na gagawin ko. That time, medyo nagdadalawang isip ako."