Pang-bagets na rin ang EEZY dancing

Maganda ang naging resulta ng reformatting ng Eezy Dancing Party Time. Ngayon, mas nakaka-relate na ang teenagers dito dahil youthful na ang dating ng show bagaman at hindi nangangahulugan na hindi na ito magugustuhan ng more mature audience na siyang mga orihinal na ballroom fanatics.

May mga sayaw rito na pop culture complete with flamboyant get-ups. Ang host nito na si Lana Asanin ay nagpapamalas ng malaking pagbabago sa pagsasayaw at pagho-host. Bagay siya sa show at sila ni Ralion Alonso make up the two liveliest dance duos on the boob tube. Kung hindi n’yo nakikita si Ralion sa show, ibig sabihin may mga out of the country shows siya. Pero, babalik din siya sa programa.

Show comments