"Hindi kami ni Brigitte" - Raffy

Sa lungsod ng Baguio, hindi akalain ng baguhang actor na bini-build up ng World Arts Films na si Raffy Anido na pagkakaguluhan siya. Akala kasi ni Raffy, komot baguhan lang siya, walang makakakilala.

Pero dahil sa dami ng publisidad niyang suportado ng World Arts, marami ang nakakilala sa kanya noong mag-shooting siya ng Sa Yong Mga Haplos.

Siyempre, natutuwa naman ang producer na si Jojo Galang dahil unti-unti na ring nakikilala ang bini-build up nilang actor. Maganda ang papel ni Raffy sa Haplos dahil multo siya na umiibig kay Yda Manzano na bini-build up din ng World Arts.

Mahusay umarte si Raffy dahil pinapalakpakan siya ng mga tagahanga sa kanilang pagso-shooting sa Baguio. No wonder, may bago na namang movie na nakapila for Raffy.

Gusto nga palang iklaro ni Raffy na hindi totoong sila na ngayon ni Brigitte de Joya. Natsismis kasi silang dalawa na malimit magkita sa bilyaran.

"Magkaibigan lang kami. Maliban doon, wala na," sabi ni Raffy, tampok din sa Haplos sina Allan Paule, Pyar Mirasol, Arianne dela Riva, sa direction ni Boy Vinarao.

Show comments