Trovador hinangaan ni Gov. Lapid

Tinupad ni Trovador "James" Ramos ang kanyang pangakong magbabalik pagkatapos ng una niyang pelikula. Kahit sangkatutak ang naging problema niya sa unang pagprodyus ng pelikula, hindi ito naging dahilan para talikuran niya ang kanyang pangako.

"I’m back with a vengeance," aniya. "Ang lahat ng karanasan ko noon, good or bad ay itinuring kong baptism of fire. I am more equipped this time.

"Unang ginawa ko ay piliing mabuti ang mga kasama ko sa pelikula. Nilapitan ko si Gov. Lito Lapid at parang himala na pumayag siya," aniya.

Ang hindi alam ni James, humanga rin sa kanya ang "King Of Stunts" nang mapanood siya nito sa isa sa mga nauna niyang pelikula. Nang oras at araw ding iyon, sinabi ni Lito sa kanyang sarili na gusto niyang makasama, ang 8th degree black belter ng TRACMA. Nagtaka si James nang isang kakaibang special participation ang ginawa niya na hindi marahil mapapanood sa alinmang hard action movie dito sa ating bansa.

Hinamon ni Lito si James na lumusot sa salamin (tunay na salamin at hindi candy glass). Tinanggap niya ang hamon. Kahit nagtamo siya ng maraming sugat sa kamay at mga paa, masaya siyang tumayo ng buhay.

Kailangan marahil na panoorin itong Eskort nang buong-buo para matuklasan kung ano’ng mayroon si James na hinangaan mismo ni Lito.

Show comments