^

PSN Showbiz

Lito at James, sabayan !

-
Marami ang nagsabi noon na nabitin sila sa mga action scenes ni Trovador "James" Ramos Jr. sa mga unang pelikulang nagawa niya.

"Dito sa Eskort ibinigay ko na talaga ang lahat ng inaasahan sa akin," pagtatapat ni James. "Ni hindi ko naipakita ang expertize ko sa TRACMA (founder by his father and legendary master, Trovador Ramos, Sr.) Ngayon, maipakikita ko na ang lahat-lahat. Mas bibigyan ko na ng importansya ang payo sa akin ng mga taong katulad ni Lito Lapid na nakasama ko dito sa isang kakaibang special participation na dito lang sa pelikula ko mapapanood."

Pati rape scene ni Barbara Milano, iniba din ni James ang approach. "Hindi basta ipakikita ko ang buong katawan ni Barbara na nagbabalik din sa pelikulang ito. Natitiyak kong pag-uusapan ito.

"Si John Regala, napahiya ako sa sobrang professionalism. Nauuna pa sa akin sa set. Si Brando Legaspi, grabe pala kapag nanggigil. Ganoon din si Raymond Keannu at Mark Lapid. Kawawa talaga si Isabel Granada, lalo na ang baguhang si Arianne dela Riva. Nagkapasa-pasa sa rape scenes nila.

"Pati si Gladys Reyes, natutong humawak ng baril at magpaputok nito. Siyempre, hindi mawawala ang comedy.

"Muntik na ring malunod si Melonie Diaz. Excited kasi nang tumalon sa pool. Buti na lang at nailigtas pa," kwento ni James.

BARBARA MILANO

GLADYS REYES

ISABEL GRANADA

LITO LAPID

MARK LAPID

MELONIE DIAZ

PATI

RAMOS JR.

RAYMOND KEANNU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with