12-anyos lalaki nanalo ng trip to Japan at P250,000

Nang magsimula ang "Pares Pares, Anime Anime" ng Jack & Jill at GMA, dumagsa na ang tawag ng mga televiewers para alamin kung paano sila sasali at mananalo ng malalaking premyo. Sa unang round ng kumpetisyon sa SOP noong Setyembre 17, lahat ng contestants ay umasang makuha ang Bonus Prize, isang trip to Japan for five at P250,000 na pocket money. Pero walang maswerteng makapag-uwi nito hanggang nakaraang Linggo, Oktubre 15, nang isang 12-year old mula sa Laguna, si Mike Tolentino, ang nagtagumpay na manalo nito sa kauna-unahang pagkakataon. Bukod sa trip to Japan, nanalo rin siya ng TV at play station package bilang studio contestant at isang high-tech na Pentium computer na premyo naman niya sa memory game.

Para maging kasing-suwerte ni Mike, manood lang araw-araw sa GMA at abangan ang lalabas na matching Anime cards mula 6 p.m., to 8 p.m. Isulat ang anime character, week no., araw at programa kung saan ninyo nakita ang pares. Idagdag ang iyong pangalan, tirahan, telepono at lagda at isilid sa isang envelope kalakip ang dalawang foil packs ng kahit anong Jack & Jill snack. Ihulog sa drop box na mahahanap sa leading supermarkets. At kung mapili kayong weekly winner at studio contestant, may tsansa na kayong manalo ng mga hi-tech na premyo at maging yung trip to Japan for five na may kasama pang pocket money.

Show comments