Baby talk - Sunshine, part ng album ni Cesar

Humarap na si Cesar Montano sa movie press with his wife Sunshine Cruz-Montano during the presscon-cum-launching of his debut album Subok Lang under Star Records.

Ito ang unang pagkakataon na humarap ang mag-asawa sa press pagkatapos ng kanilang honeymoon. Na-delay ang pagdating ng dalawa at napabalita na maraming nabiting schedule ang actor kasama na ang taping ng Kaya Ni Mister, Kaya Ni Misis at ang tinatapos nilang movie ni Sunshine, Alas Dose.

Anyway, may duet sina Sunshine at Cesar sa Subok Lang - "Kailan Ko Lang Sinabi" na kinanta nila during the presscon.

Dream come true for Cesar ang magkaroon ng sariling album. "Bata pa lang kasi ako noon, talagang tumutugtog na ako ng gitara at kumakanta na kami ng mga barkada ko sa Sta. Ana. Ngayon may sarili na akong album. Kaya nga marami talaga akong dapat pasalamatan," he says. Nag-contribute rin ng two songs si Cesar sa Subok Lang - "Subok Lang" (carrier single) & "Kailan Ko Lang Sinabi."

Anyway, included din sa album ang "Sana Dumating Ka Na," "All My Life" (revival), "Ikaw Lang" "Lumayo Ka Man Sa Akin" (revival), "Magic of Love," "Ikaw Pa Rin." Available na ito sa mga record bars.
*****
Nominated si Spencer Reyes sa Asian TV Awards for best drama actor for his performance sa isang episode ng Kasangga called, Estudyante, Tinorture (The Mark Cahilig Story). Very proud si Spencer sa nangyari although iniintriga siyang wala sa acting ang concentration niya kundi nasa pagja-Japan. Hindi pa natatagalan nang pag-usapan si Spencer. For the second time kasi ay umalis siya sa poder ng manager niyang si Chito Roño dahil nga raw nakikipag-negotiate ang actor sa mga possible shows without consulting Chito.

Anyway, very proud naman ang staff ng Kasangga sa achievement ni Spencer. "Happy kami for him dahil sa programa pa rin namin na-nominate si Spencer. Kasi isa 'yun sa top rating episode namin, tapos napansin pa 'yung performance niya. We're hoping for the best, I mean malay mo manalo siya," says Andrea Tan, staff ng nasabing programa.

Isa sa makakalaban ni Spencer sa nasabing category si Roderick Paulate. Si Rita Avila naman ay nominated din for best drama actress sa Asian TV awards ngayong taon.
*****
Magho-host ang Piazza Ballroom Theater ng pre-Halloween party blow-out sa lahat ng ballroom enthusiasts sa October 28, Saturday, 7:00 p.m. to 12:00 a.m. Ang mga magpa-participate ay iti-treat sa colors, sounds and spirit of Latin festivities na kumpleto sa costume and beads.

Special feature of the night ang 1st Piazza Open Latin Championship. Ang mananalo ay tatanggap ng cash prizes, trophies and special gift packages. Ang contest ay open sa lahat ng pre-amateur couples ballroom dancers, dance instructors. Sa mga interesadong sumali, ini-encourage na mag-register ng maaga para maka-avail sila ng free dance practice. Ang deadline for registration ay sa October 25, Wednesday.

Ang Piazza Ballroom Theater ay located sa Casa Vicente, Alabang Town Center at open from Monday to Saturday from 2 p.m. to 2 a.m. For inquiries para sa Mardi Gras 2000 ticket, contact Dolly sa 842-9157.
*****
Sa title pa lang ng pelikulang The Pornographer, may idea ka na kung anong takbo ng kuwento ng pelikula. Alam mo na sa iisang tao naka-concentrate ang kuwento. Isang lawyer si Michael DeGood a.k.a Paul Ryan pero pagdating ng gabi, ibang bagay ang pinag-kakaabalahan niya - weakness niya ang pakikipag-date sa mga prostitute at walang sawa sa panonood ng sex film.

Actually, obvious na small budgeted ang pelikula. Pero puwede na rin.

Showing pa ang The Phornographer sa ilang Metro Manila theaters.
*****
Hindi natuloy ang "Reaching Out To Media Peers" concert ng National Press Club (Moral Recovery Committee) kahapon dahil sa brownout. Naka-schedule sanang mag-perform sa press club sina Gary Valenciano, Carlo Orosa, Karla Martinez and Jolly Aquino. Wala pang schedule ang NPC kung kailan itutuloy ang nasabing concert.

Show comments