"Nominated din ako sa Best Comedy Actor," pagmamalaki ni Janno na tumanggap ng kanyang award sa kauna-unahang pagkakataon.
"Madalas din akong ma-nominate pero, pala, tinatalo ako ni Ogie." dagdag niya.
Hindi naman itinago ni Ogie ang kanyang disappointment sa kanyang pagkatalo. "I feel napag-iwanan ako sa awards. Ni hindi ako nabigyan ng nominasyon sa comedy, sa host lang. Gusto ko pa sanang manalo if only to feel good," sabi niya,
Nabibigyan konswelo na lamang siya na nanalo ang SOP at si Janno. And also the fact na ang awitin na kinompos niya para sa pelikula nina Regine at Robin Padilla ay nasa pangunahing posisyon sa music charts. Ganun din ang pelikula na tinangkilik ng mga manonood sa isang panahon na naghihingalo na ang pelikula at ayaw nang manood ng sine ang tao.
Yes, hindi lamang ang mga career ng tinaguriang "Small Brothers" ang nasa rurok ngayon kundi maging ang kani-kanilang marriage. Both have seemingly happy marriages with their wives content with being plain housewives. Si Michelle ay nagtatapos ng kanyang Masscom studies at nag-aaral ng pottery at the same time.
Si Bing naman ay happy na sa pagma-manage niya sa career ni Janno at sa pagiging ina ng kanilang dalawang anak. Bagaman at lumalabas din siya sa pelikula at TV paminsan-minsan, malinaw na ang prioridad niya ay ang kanyang pamilya.