Si ate Vi na may pelikula raw sa Star Cinema ay busy mayor, si ate Guy ay busy din sa pangangampanya sa Bicol, ganoon din si Elizabeth O. So ang mga pagpipilian na lamang nating mga sikat, medyo sikat, at may potensiyal na sumikat ay sina Judy Ann Santos, Vina Morales, Regine Velasquez, Ara Mina, Angelu de Leon, Jolina Magdangal, Claudine Barretto, Kristine Hermosa, Mylene Dizon, Janna Victoria, at raratsada raw si Pops Fernandez.
Puwede pa rin si G. Toengi at puwede rin si Charlene Gonzales. Pero siguro si Charlene mabubura na rin sa listahan ng mga bankable leading ladies at baka maging exclusive leading lady na lamang siya ni Aga Muhlach sa TV gaya ni Lucy Torres kay Richard Gomez. Well anyway, we still can count on the likes of Dina Bonnevie, Lorna Tolentino and Maricel Soriano who are still bankable,watchable and always a pleasure to see on screen in various roles. Buti na lang hindi naman sila nawawalan ng projects. Kaya lang napapansin ko lang ang bilis-bilis ng turnover ng mga artista sa pelikula ngayon. Kamakailan lang, wala kang mapanood kundi nasa cast si Izza Ignacio o si Rita Magdalena o si Ynez Veneracion. Ngayon kahit sa TV bibihira na silang makita.