In the last three months or so, iilan lang na mga boldies ang nangahas gumawa ng pelikula. May ilang mga producers pa rin na baguhan or established na ang nag-take ng risk sa mga pangalang ngayon lang sumulpot gaya ng Halina Perez, pero karamihan ng mga bagong bold ay naghubad na lang sa diyaryo at hindi sa pelikula. Bibihira na rin ang mga bold movies at karamihan nga ay nae-X ng MTRCB at nakaapela sa Malacañang gaya ng Biyaheng Langit, Kangkong, atbp. Ang mga pelikula ni Priscilla Almeda ay nakatengga, at ang iba pang matitinong bold movies gaya ng Toro at Laro sa Baga na kahit ipino-promote na ay hindi pa rin malinaw ang tunay na playdate. Syempre matino naman ang writer ng Laro na si Edgardo Reyes kaya inaasahan mong matino ang movie kahit bold, pero baka malipasan na ito ng panahon dahil urong-sulong ang pagpapalabas. Ang huling balita ay pang-Metro Manila Filmfest na lang ito kung mapipili ng screening committee.
May ibang producers ang nagsabing ang adult movies lang ang natitirang pag-asa ng local movies pero kung tutuusin hindi naman maituturing na blockbuster ang mga tinatawag ngayong third week hit tulad ng Alipin ng Tukso. Siguro nananatili lang sa sinehan dahil wala nang ibang maipalabas. Ang mga pinapasok naman na mga small Hollywood films gaya ng Friends & Lovers at The Pornographer ay maka-categorize mong bold- maraming breast exposure. Meron ding breast exposure ang Me, Myself and Irene at napansin kong may re-issue na naman ang Kamasutra 2.
Pero sa gitna ng katotohanang hindi naman box-office ang mga bold, at marami pa ring bold movies ang hindi maipalabas, marami pa ring bold ang ginawang pelikula gaya ng Katayan ni Jomari Yllana at ang bale comeback movie ni Rosanna Roces with Diether Ocampo. Alangan naman sigurong sa pagbabalik eksena ni Osang ay ipagpaubaya pa niya ang trono kay Piel Morena o kay Allona Amor.