Sanga-Sangandila - Alay kay Maria
October 20, 2000 | 12:00am
Napapanahon yung ginagawang paglalabas ng Viva Records ng mga Christian album na makakapagpaalala sa tao sa mga hindi magandang nagaganap sa mundo, mayroon pa rin tayong matatakbuhan-ang Panginoon.
Matapos ang matagumpay na paglulunsad ng "Servant Of All", isang all-star cast album, inilabas naman ang "Mother Of All" na tamang tama sa buwan na ito ng Santo Rosario, buwan ni Maria, Blessed Virgin and Mother of God. Ipakikita ng album ang role ni Maria sa kasaysayan ng Roman Catholic Church at ang kahalagahan niya sa ating buhay.
Ang marami niyang mukha at pangalan ay nasa album sa pamamagitan ng mga salita mula sa Holy Scriptures, prayers, stories, poems and proclamations.
Ang mga awitin ay inayos para sa makabagong panahon at inawit sa English, Tagalog at Cebuano. Isa itong paghahandog to the innocent Virgin from Nazareth on the feast of her Blessed Rosary.
Ang cover ay kuha sa Pieta ni Michaelangelo. Naglalaman ito ng mga tinig ng Viva artists. Bawat album ay nagtatampok ng isang crystallized rosary. Carrier single ng album ay ang "Mother of All" na inawit ni Regine Velasquez. Ilan sa mga artist na tampok dito ay sina Donna Cruz ("Daghang Salamat, Maria"), Ivy Violan ("Shout To The Lord"), Wency Cornejo ("Holy Mother"), Wise Guys" ("Mama"), Judy Ann Santos ("You"), Basil Valdez ("Tanging Yaman"), Maxine ("Let It Be Me"), Sharon Cuneta ("Silent Night, Holy Night"), Jeanne Young ("I Am Here/I Am Your Mother").
May mga non-Viva artist din na nagbigay ng kontribusyon. Cacai Velasquez ("Keep The Candle Burning") Mitch Valdez, Pinky Marquez, Lea Salonga at Marivic Benedicto ("Salve Maria"), Bert Nievera, Lloyd Umali at Marco Sison ("Maria"), Aiza Seguerra ("Dear Fatima" at "Mother of Christ") Eugene Villaluz ("Ave Maria") at Christopher de Leon ("Sa ‘Yo Lamang"). Bahagi rin ng album ang mga powerful prayers ng mga kilalang tao: Fr. James Reuter, SJ, Ronnie & Mariz Ricketts, Mel Tiangco, Boots Anson Roa, at marami pa. Ang album ay inilunsad sa Villa San Miguel, Mandaluyong City na sinaksihan ni Arsobispo Cardinal Sin.
Mabilis siyang umagaw ng pansin, siguro dahil mataas, siya, maputi at magaling magsayaw. Idagdag mo pa ang pangyayaring napaka-seksi niya at sasabihin mo na magiging madali sa kanya ang pagtahak sa stardom. Lalo’t nasa bakuran siya ng ABS CBN na kung saan ay binibigyan siya ng magandang exposure gaya ng Magandang Tanghali Bayan nakatulad ng kababayan niyang si Vanessa del Bianco ay unti-unting nakikilala siya dahilan sa mahusay niyang pagsasayaw.
Siya si Michelle Bayle, 20 taong gulang, may sukat na 34-24-34, may taas na 5’5", isang Fil-Canadian na naririto sa bansa at sumusubok sa local showbiz matapos na manalo bilang Star Teens Canada 2000. Isinilang siya sa Maynila at sumama sa kanyang mga magulang nang magpasya itong manirahan ng Canada five years ago. Iniwan niya ang kanyang advertising course sa Humber College para pumunta rito bagaman at siya ang kauna-unahang Pilipina na naging myembro ng National Canadian Football League Cheerleading Squad. Nakapag-model na siya sa Canada at lumabas na rin dun sa TV.
Pamangkin siya ng kauna-unahang Pilipina na gumawa ng pangalan sa international modeling scene, si Anna Bayle at ang ina niya ay isa ring dating Miss Manila at Bb. Pilipinas runner-up.
Kasama siya sa Star Drama Presents... Detour topbilled by Rico Yan and an all star cast. Napapanood din siya sa ASAP, Keep on Dancing, Home Along Da Riles, Star Studio at Richard Loves Lucy.
Sa Linggo ay ilulunsad siya sa programa ng ASAP kasama sina Luis Alandy at Danilo Barrios.
Despite his charm and beefy looks, mas tipo ni Brendan Fraser na gampanan yung mga hindi seryosong roles, gaya ng isang cave man sa Encino Man, o isang ape man sa George of the Jungle o ng isang binata na sa edad na 30 taon ay nakalabas sa kanyang kinalakhang bomb shelter sa Blast In The Past. Ang kanyang role sa pinakabago niyang pelikula na Bedazzled ay gustung-gusto niya.
Bilang Eliot Richards, in love siya sa kanyang kasamahan sa trabaho pero hindi siya nito pansin dahil tahimik lamang siya, parang takot sa kapwa tao. Napagpasyahan niya na magbago ng image para mapa-ibig ito. Tinulungan siya ng demonyo. Lahat ng gustuhin niyang babae ay nakukuha niya.
Si Elizabeth Hurley ang gumaganap ng role ng demonyo. At bukod sa pagiging si Richard Eliot, naging isa rin siyang crime lord, isang sensitive poet, rock n roll idol, basketball superstar at Pulitzer Prize winning author. Bawat pagpapalit ng character, may natutunan siyang leksyon.
Si Fraser ay anak ng isang Canadian diplomat na lumaki sa Canada, US at Europe. Labimpitong taon na siya na magpasya siyang maging isang aktor, nagsanay siya sa Cornish College of the Arts sa Seattle. Unang movie niya ang Dogfight na sinundan ng Encino Man, Old School Ties, With Honors at George of the Jungle na naglagay sa kanya sa $100M category sa takilya.
Ang Bedazzled ay remake ng isang 60’s movie na tinampukan ni Dudley Moore, Peter Cooke at Raquel Welch. Ito ay isang 20th Century Fox presentation at ipinamamahagi ng Viva Interational Pictures.
Matapos ang matagumpay na paglulunsad ng "Servant Of All", isang all-star cast album, inilabas naman ang "Mother Of All" na tamang tama sa buwan na ito ng Santo Rosario, buwan ni Maria, Blessed Virgin and Mother of God. Ipakikita ng album ang role ni Maria sa kasaysayan ng Roman Catholic Church at ang kahalagahan niya sa ating buhay.
Ang marami niyang mukha at pangalan ay nasa album sa pamamagitan ng mga salita mula sa Holy Scriptures, prayers, stories, poems and proclamations.
Ang mga awitin ay inayos para sa makabagong panahon at inawit sa English, Tagalog at Cebuano. Isa itong paghahandog to the innocent Virgin from Nazareth on the feast of her Blessed Rosary.
Ang cover ay kuha sa Pieta ni Michaelangelo. Naglalaman ito ng mga tinig ng Viva artists. Bawat album ay nagtatampok ng isang crystallized rosary. Carrier single ng album ay ang "Mother of All" na inawit ni Regine Velasquez. Ilan sa mga artist na tampok dito ay sina Donna Cruz ("Daghang Salamat, Maria"), Ivy Violan ("Shout To The Lord"), Wency Cornejo ("Holy Mother"), Wise Guys" ("Mama"), Judy Ann Santos ("You"), Basil Valdez ("Tanging Yaman"), Maxine ("Let It Be Me"), Sharon Cuneta ("Silent Night, Holy Night"), Jeanne Young ("I Am Here/I Am Your Mother").
May mga non-Viva artist din na nagbigay ng kontribusyon. Cacai Velasquez ("Keep The Candle Burning") Mitch Valdez, Pinky Marquez, Lea Salonga at Marivic Benedicto ("Salve Maria"), Bert Nievera, Lloyd Umali at Marco Sison ("Maria"), Aiza Seguerra ("Dear Fatima" at "Mother of Christ") Eugene Villaluz ("Ave Maria") at Christopher de Leon ("Sa ‘Yo Lamang"). Bahagi rin ng album ang mga powerful prayers ng mga kilalang tao: Fr. James Reuter, SJ, Ronnie & Mariz Ricketts, Mel Tiangco, Boots Anson Roa, at marami pa. Ang album ay inilunsad sa Villa San Miguel, Mandaluyong City na sinaksihan ni Arsobispo Cardinal Sin.
Siya si Michelle Bayle, 20 taong gulang, may sukat na 34-24-34, may taas na 5’5", isang Fil-Canadian na naririto sa bansa at sumusubok sa local showbiz matapos na manalo bilang Star Teens Canada 2000. Isinilang siya sa Maynila at sumama sa kanyang mga magulang nang magpasya itong manirahan ng Canada five years ago. Iniwan niya ang kanyang advertising course sa Humber College para pumunta rito bagaman at siya ang kauna-unahang Pilipina na naging myembro ng National Canadian Football League Cheerleading Squad. Nakapag-model na siya sa Canada at lumabas na rin dun sa TV.
Pamangkin siya ng kauna-unahang Pilipina na gumawa ng pangalan sa international modeling scene, si Anna Bayle at ang ina niya ay isa ring dating Miss Manila at Bb. Pilipinas runner-up.
Kasama siya sa Star Drama Presents... Detour topbilled by Rico Yan and an all star cast. Napapanood din siya sa ASAP, Keep on Dancing, Home Along Da Riles, Star Studio at Richard Loves Lucy.
Sa Linggo ay ilulunsad siya sa programa ng ASAP kasama sina Luis Alandy at Danilo Barrios.
Bilang Eliot Richards, in love siya sa kanyang kasamahan sa trabaho pero hindi siya nito pansin dahil tahimik lamang siya, parang takot sa kapwa tao. Napagpasyahan niya na magbago ng image para mapa-ibig ito. Tinulungan siya ng demonyo. Lahat ng gustuhin niyang babae ay nakukuha niya.
Si Elizabeth Hurley ang gumaganap ng role ng demonyo. At bukod sa pagiging si Richard Eliot, naging isa rin siyang crime lord, isang sensitive poet, rock n roll idol, basketball superstar at Pulitzer Prize winning author. Bawat pagpapalit ng character, may natutunan siyang leksyon.
Si Fraser ay anak ng isang Canadian diplomat na lumaki sa Canada, US at Europe. Labimpitong taon na siya na magpasya siyang maging isang aktor, nagsanay siya sa Cornish College of the Arts sa Seattle. Unang movie niya ang Dogfight na sinundan ng Encino Man, Old School Ties, With Honors at George of the Jungle na naglagay sa kanya sa $100M category sa takilya.
Ang Bedazzled ay remake ng isang 60’s movie na tinampukan ni Dudley Moore, Peter Cooke at Raquel Welch. Ito ay isang 20th Century Fox presentation at ipinamamahagi ng Viva Interational Pictures.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am