Ang place ay magkakaroon ng cinemahouse, theater for the performing arts, museum, amusement and recreation centers, atbp. Dahil maraming taga-industriya ng entertainment ang makikinabang sa proyektong ito, ngayon pa lang ay marami nang taga-showbiz ang nag-pledge ng support nila sa batambata at energetic na si Engr. Efren sa pagtakbo niya sa mayoralty race ng Navotas.
"Kung mababaling sa panonood ng magandang pelikula, concerts at play ang mga tao, lalo na ang mga kabataan sa Navotas ay di na sila matutuksong malulong sa bisyo tulad ng alak o droga. Nung buhay pa ang aking amay pangarap niya ang multi-purpose complex na ito. Para sa kanyang alaala at para na rin sa mga mamamayan ng Navotas ay tutuparin ko ang pangarap na yon pag pinalad akong mahalal," sabi ng mabait at matalinong civil engineer.
Inamin ni Efren na libangan nila ng kanyang asawa (the former Judith Monroy) ang panonood ng sine at concert kaya aware siya na masisiyahan ang kanyang mga kababayan kung magkakaroon nga ng mga sinehan at teatro sa kanilang lugar.