Ex-NEDA chief sa programang Private Conversations with Boy Abunda
October 19, 2000 | 12:00am
Ang ekonomista at dating NEDA chief na si Solita Monsod ang panauhin ngayong gabi ni Boy Abunda sa kanyang programang Private Conversations with Boy Abunda, 9:00 ng gabi, ABS-CBN News Channel (Skycable Channel 21). Si Gng. Monsod na isa sa pinaka-outspoken at well-known ekonomista sa bansa ay kasalukuyang professor sa UP na kung saan ay nagtapos siya ng pag-aaral. Aktibo rin siya sa UN at iba pang international organizations tungkol sa development planning at food policy. Siya ay isang staunch feminist at tagapagtanggol ng karapatan ng mga babae. Kasalukuyan siyang host ng Debate with Pare and Mare kasama si dating Exec. Sec. Oscar Orbos.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended