Unang-una na ang umano’y pagkakahuli sa kanya ni Ms. Amalia Fuentes na natutulog sa bahay ni Aga Muhlach. Secondly, ang isyung bakla raw ang ex-husband niyang si Martin Nievera. Pangatlo, ang word war daw nila ni Jaya. At ang pang-apat, ang tuluyan na raw niyang pagwawala sa big screen kung saan wala na raw siyang takot magpaseksi na muli nga niyang patutunayan sa pelikulang Gusto Ko Nang Lumigaya ng Viva Films.
"About the issue na caught-in-the act daw ako na natutulog sa bahay nina Aga, matagal na pong isyu ’yan! Two years ago na po ’yan. And please, tigilan na po ako! Ayoko nang patulan pa ’yan!
"Aaminin ko naman na nakapunta na rin ako ng bahay ni Aga, pero marami kami as in grupo kami! Kaya tama na ’yan. Ikakasal na po ’yung tao! Huwag na po natin silang guluhin!" ang napatiling reaction pa ni Ms. Fernandez.
Sa puntong ito, napahalakhak naman ang singer-actress sa isyung gay si Martin.
"Ano ba’yan! Wala akong alam diyan! Hindi ko na siya asawa at ’di na rin kami nagkikita!" tili na naman niya.
Pero paano nga ba niya ipagtatanggol si Mr. Nievera sa isyung ito bilang kanyang dating asawa?
"Ayoko na kasing makialam pa. But I guess, it’s unfair for him. That’s really not fair. At kung magsasalita pa ako, baka lumaki lang. Tsaka may bago na siyang girl, right? So, paanong mangyayari ’yon?
Ayoko na ng intriga! Baka pagsimulan na naman ’yan ng gulo!" ang pigil na pag-iwas na lang niya.
At tungkol naman sa umano’y feud nila ni Jaya na nag-ugat sa ‘concert queen’ title? Kumusta na nga ba silang dalawa?
"You know, if I have something to say, wala pong problema ’yon. And for me, walang gulo or war sa amin ni Jaya!," deklarasyon pa niya.
What about her ‘pagwawala’ na raw sa screen? Na kung kelan na raw siya nagkaka-edad, eh saka pa raw niya naisipang magpaseksi? Na desperado na raw siya?
"Wala na rin siguro akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao, as long as alam ko pa rin ang ginagawa ko, as long as I still know my limitations. Iba naman kasi ’yung umaarte sa nagpapaseksi lang.
"Did you get what I mean?
"All I can say is, I love my work and I just have to improve my craft more. Seryoso ako sa trabaho ko and that’s it. Para naman kasing napaka-big deal kung naging sexy at daring na tayo ngayon.
"Hello! Wala pa naman akong ipinapakita, ‘noh!" tili na naman niya.
Excited na nga si Pops sa kanyang latest movie. At para sa kanya, mas challenging ito kung ikukumpara sa Linlang lalo pa’t sa kanya lang umiikot ang story ng Gusto Ko Nang Lumigaya.
Pero ang tanong nga ng lahat, maligaya ba ngayon si Pops?
"Maligaya kung sa maligaya. At kung hahanapan n’yo ako ng lovelife, matatagalan pa ’yan. That would be very far pa. Not now. Not at this time," Pagtatapos ni Ms. Fernandez.  RP