Ang ekonomiya ang pinaka-malaking factor. Masyadong mahal ang mga raw materials and yet, maski na yung pito pito movies ay hindi tinatangkilik ng mga manonood. Ayaw ding panoorin ang mga bold movies na yun at yun din naman ang istorya. Maaaring nag-iiba ang mga mukha na gumaganap dito pero ang istorya na ginagalawan nila ay pare-pareho. The same goes sa mga maaksyong pelikula na nagpapaligsahan lamang sa lakas ng pagsabog pero hindi sa istorya.
It seems that our filmmakers, ang mga sumusulat ng pelikula can not come up with new ideas, kaya lumilipat sa pelikulang dayuhan ang mga manonood bagaman at sinasabi rin na maski na sa pelikulang dayuhan marami rin ang hindi kumikita. Maski na yung mga Jackie Chan/Chow Yun Fat hard action ay nakakita ng malaking kabawasan sa bilang ng mga manonood. Only Mission Impossible 2 ang nakalusot pero nakita naman natin kung bakit.
Sa mga local films, mabibilang sa daliri ng kamay ang masasabing nag-akyat ng pera sa mga producer. Nariyan ang Rizal at Anak na talaga namang unprecedented ang result sa takilya. Kumita rin ang iba pero barya barya lang ang inakyat sa producer. Ngayon, naririyan ang Robin Padilla/Regine Velasquez movie na Kailangan Ko’y Ikaw na habang lumilipas ang araw ay lalong nadaragdagan ang kita sa takilya. For sure mai-extend pa ang run nito sa mga sinehan.
Ano ba ang mga sangkap na meron ito? It’s another Bodyguard movie, parang isa ring napalabas nang Robin/Jolina Magdangal film.
Bakit kumikita? Is it Robin? Or Regine? Ang kumbinasyon nilang dalawa? O Swerte lang talaga? Ano man ang dahilan, magpasalamat na tayo sapagkat, may pag-asa pa pala ang pelikula. Pwede pa tayong makaahon, ang swerte naman ay nakukuha sa dasal. Kaya siguro ngayon pa lang, magsimula na tayong magdasal.
One such company is the Total Planning Co., Ltd., isang Japanese film na nakiki-pag-co-production venture sa MMG Entertainment Group para sa isang pelikula na pinamagatang Japino which will star Japanese and Filipino talents gaya nina Ronald Gan Ledesma, Lovely Rivero, Jean Saburit, Jin Susuki at Mitsukuni Ishii. Isang Pilipino rin ang magiging direktor ng pelikula, si Roland Ledesma.
Ang Japino ay kasaysayan ng isang mestisong Hapon at Pilipino, si Marvin Susuki. May half brother siya na isang opisyal ng pulisya, si Lt. Delfin Reyes. Ang dalawa ay nagmamahalan ng lubos na tulad ng isang tunay na magkapatid.
Nais ni Delfin na alalayan si Marvin pero, tumanggi ito. Gustong tumayo sa sarili niyang mga paa. At kahit na ilang ulit siyang nalagay sa panganib, di nagbago ang kanyang pasya. Hanggang sa makilala niya si Rowena.
Si Delfin naman ay kilala bilang isang mahusay na alagad ng batas. May partner siya, si Raul Gomez. May girlfriend din siya, si Jasmin.
Nangailangan si Rowena ng malaking halaga nang magkasakit ang kanyang ina. Nag-GRO siya sa club ng isang Hapones, si George Ishii. Para hindi mapalayo sa kasintahan, pumasok din doon si Marvin bilang delivery boy. Ang hindi niya alam, hindi pagkain kundi drugs ang idini-deliver niya.
Naging magkaribal sina Marvin at George kay Rowena. Ipinadukot ni Ishii si Rowena at tinangkang pagsamantalahan ngunit dumating si Marvin. Naglaban ang dalawa, nagapi ni Ishii si Marvin pero nang papatayin na niya ito ay nagsalita ito ng Hapones. Nadurog ang matigas na damdamin ni Ishii. Hinuli si Ishii pero, ito ay matapos magkamayan ang dalawa.
Gumaling ang ina ni Rowena sa tulong na ipinadala ni Ishii sa piitan. Ikinasal sina Delfin at Jasmin at dumating din sa wakas ang amang Hapones ni Marvin.