^

PSN Showbiz

Baby talk - Si Jessa ang may Launching, si Dingdong ang nagpapa-interview

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Hindi pa tapos ang press launching ng new album ni Jessa Zaragoza, "Ibigay Mo Na" under Star Records sa Hard Rock Cafe last week, nagpapa-interview na si Dingdong Avanzado sa mga TV crews. Kaya naman maraming negative reactions ang ilang press sa ginawa niya. Ayon sa ilang observer, hindi 'yun ang tamang oras at proper venue for Dingdong ng pagpapa-interview. At kaya lang naman siya nandoon ay para bigyan ng moral support ang girlfriend at hindi para mang-agaw ng eksena.

During the presscon din ay may pinadalang letter and flowers si Dingdong. Pero sa last part of the letter na binasa ni John Lapuz kasama ng name ni Dingdong ang distrito kung saan councilor siya. "Hindi na dapat niya nilagay 'yung councilor at 'yung distrito niya. Obvious na gusto rin niya ng exposure," comment naman ng katabi kong reporter.

Anyway, Jessa confirms na hindi totoong pakakasal na sila, pero napag-usapan na nila ang tungkol dito. "In passing lang. Pero wala pa talagang concrete plan," she says. Lumabas kasi kamakailan na pakakasal na rin sila next year.

Si Jessa ngayon ang kino-consider na reyna ng Star Records matapos siyang lumipat from OctoArts EMI. All out ang suporta ng nasabing recording company as in present ang big bosses ng Star Records nang gabing 'yun. "Actually, nagpapasalamat talaga ako sa kanila dahil binigyan nila ako ng chance to express my artistic freedom sa album na 'to. 'Yung mga favorite songs ko ang kasama sa album. At may composition ako - "'Till The End of Time." And 'yung suggestion ni Dingdong na i-revive ko 'yung "Maghihintay Sa 'Yo," kinonsider nila. Yon ang ginawa nilang pag-aalaga sa akin," she says. Pero nag-react ang mga katabi kong kasamahan sa hanap-buhay, "Bakit hindi ba siya nabigyan ng chance sa OctoArts EMI? Sa EMI nga siya sumikat eh. Kung magsalita siya ngayon, parang walang nagawa ang EMI sa singing career niya," sentiment ng katabi ko sa table.

Anyway, very sexy si Jessa that night. Actually, 'yung iba ngang press people, panay ang react na makikita na 'yung nipple niya. Pero walang makikita kay Jessa dahil naka-plaster ang nipples niya kahit pa bumaba ang suot niyang blouse. Twice siyang nag-change costume.

Kung hindi lang siguro sa bagong manager ni Jessa na si Deo Endrinal ng Classified Media, malamang na maraming magni-nega kay Jessa sa naturang presscon. Nag-nega kasi siya kay Rufa Mae Quinto at sa ilang press people.

At any rate, her "Ibigay Mo Na" album consists of fourteen cuts including her carrier single, "Ibigay Mo Na" composed by Mr. Alex Catedrilla. Produced by Jessa herself, she personally picked all the songs in the album and had a hand in the packaging of the CD and cassette.

The album also features the classic "If You Remember Me." Kasama rin sa album ang duet nila ni Dingdong na "Glory of Love." Available na sa mga record bars ang "Ibigay Mo Na."
* * * * *
Ngayong nasa Star Records na si Jessa, paano na raw si Ara Mina na mas naunang reyna ng Star Records? "Welcome naman ako pagdating sa competition. Basta healthy competition okey lang. ’Wag lang kaming pag-aawayin," sabi naman ni Ara na busy na rin doing her second album. Nakapag-gather na sila ng material pero kailangan pa nila ng ibang songs. Hindi pa kumpleto ang line-up.

Nasa singing ang concentration ng career ni Ara ngayon. Pahinga muna siya sa pelikula pero marami siyang naka-line up next year.
* * * * *
Talagang namimili na ang mga moviegoers ng pelikulang panonoorin especially ng Tagalog movies. Pruweba rito ang Kailangan Ko'y Ikaw starring Regine Velasquez and Robin Padilla na pinilahan sa takilya. Naghahanap na talaga ng de-kalidad na pelikula ang mga manonood.

Hindi ni-link si Regine kay Robin except sa talagang feel good ang pelikula. Actually, hindi ko nasimulan ang movie during the preview pero nakakakilig talaga 'yung last part nito.

Sana nga simula na ito para gumawa ang mga producer ng feel good movie at nang maka-recover naman ang industriya ng pelikula sa bansa.
* * * * *
Nag-blow-out daw ang staff and crew ng Kasangga last week. Hindi raw kasi nawawala sa top 3 ang rating ng nasabing docu-drama na napapanood every Tuesday, 9:00-10-30 p.m. over GMA 7.

Ito ay taliwas sa nangyayari sa Codename: Verano ni Phillip Salvador na magri-reformat dahil hindi raw nga gaanong nagri-rate ayon sa source ng Baby Talk. Napabalita na noon na gusto nang mag-resign ni Phillip sa nasabing programa at hindi na sana magri-renew ng contract sa GMA. Pero may mga nag-convince raw sa aktor na huwag na muna. "Kaya nga pag tinatanong ang mga taga-Kasangga kung anong comment nila dahil wala silang problema sa rating, ayaw na nilang magsalita. Nakikiusap pa nga sila na huwag na lang pag-usapan dahil magkaibigan ang host ng dalawang programa," the source adds.

Although, magkaiba ang format ng programa, hindi maiwasang i-compare dahil halos sabay nag-start ang dalawang programa sa GMA. "Ang advantage ng Kasangga, true-to-life story ang mga episodes. Madaling maka-relate ang mga nanonood. Eh sa Verano, hindi masyadong maka-relate ang televiewers," react naman ng isa ko pang kausap.

Well, siguro nga 'wag na lang intrigahin ang dalawang programa dahil nasa iisa naman silang Channel.

ALBUM

IBIGAY MO NA

JESSA

PERO

STAR RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with