Baby talk - Aiko, tatakbong QC councilor !
October 12, 2000 | 12:00am
"I saw her (Vina Morales) few weeks ago. Ang alam ko magkakaroon siya ng new show," says Congressman Miguel Zubiri nang tanungin siya about his ex (na may bagong boyfriend ngayon) after the presscon-cum-launching of The Explorer, isang environmental program that will help raise consciousness lalo ng mga kabataan na pangalagaan ang mother nature. "Diver ako for three years at nakarating na ako sa malalayong lugar para mag-dive like sa Davao, pero once lang akong nakakita ng shark. So ibig sabihin wala na tayong mga shark. Kasi sa tulad kong diver, challenge 'yung may makita kang shark. Thru this program, magiging aware ang mga tao na alagaan hindi lang ang shark kundi ang mga wild animals and the mother nature as a whole. We're also running out of animals. Three years from now, kokonti na lang ang mga animals natin so ngayon pa lang, dapat simulan na nating pangalagaan ang animals," he explains.
Sisikapin ng programa na baguhin ang pananaw ng mga mamamayan na hindi alam kung ano ang magiging epekto sa ating kapaligiran sa patuloy na pang-aabuso sa ating kapaligiran. "Paano na ang mga bata. Paano na ang kinabukasan nila?"
The Explorer is a thirty minute documentary program, the first of its kind in the Philippine television.
Magpi-feature rin ang programa ng mga investigative pieces focused on relevant environmental issues - from saving the Philippine deer to the vandalism of historic caves and diving with the whale sharks to the illegal slaughter of animals.
At any rate, magsisimulang mapanood ang The Explorer next week, October 18 every Wednesday at 11:45 p.m.
Dawit ang Millennium Cinema, Jinggoy Estrada particularly, sa issue na kinakaharap ng first family vs. Ilocos Governor Chavit Singson. Sinasabing tumanggap din siya ng P15 M galing sa perang kinita mula sa jueteng kaya sunod-sunod ang ginagawang pelikula ng Millennium. "Hindi ako kinakabahan sa mga sinasabi niya (Singson). Kung takot ako, hindi na sana ako dumating sa presscon na ito (for his movie Sagot Kita, Mula Ulo Hanggang Paa with Vina Morales). Ang nakakalungkot lang, kaibigan ng presidente ang naninira sa amin," he says after the presscon proper in Acacia restaurant. "Sanay na kami sa mga kritisismo. Ang masasabi ko lang sa mga paratang niya, it's all fabricated.
"Hindi ko alam kung saan niya (referring to Singson) nakuha 'yung mga sinasabi niyang ebidensiya at 'yung sinasabi niyang mga tapes na 'yan. Nalulungkot lang talaga ako, it came from a friend. Alam kong damay lang ang presidente sa away nila ni Atong Ang," mahabang paliwanag ni Jinggoy sa issue na tumanggap siya ng P15 M. "Lalo akong nagulat nang makasama ang pangalan ni First Lady. Wala naman siyang political agenda kaya bakit kailangan pang idamay si first lady. Hindi ko pa alam kung anong gagawin ng presidente sa ginawa sa kanya ng dati niyang kaibigan. I'm also very confident, hindi magpo-prosper ang sinasabi nilang impeachment proceedings.
"Saka bakit naman pati maliit na negosyo namin nadadamay. Maliliit lang ang investors dito (Millennium) na mga kaibigan ko rin.
"Marami na kaming napagdaanang intriga kaya hindi na rin ako nababahala dahil hindi naman totoo. Mas takot pa nga ako sa mga intriga sa showbiz, 'yung sinasabi nilang on ko si ganito o si ganyan. O ipinag-shopping ko si ganyan," he says.
Anyway, after Sagot Kita, Mula Ulo Hanggang Paa kung saan isang probinsiyano ang role ni Jinggoy, nagso-shooting na sila ni Judy Ann Santos ng Walang Iwanan, Peksman.
Aside from Vina kasama rin sa Sagot Kita sina Joko Diaz, Dick Israel, Jorge Javier, Berting Labra, Perla Bautista, Conrad Poe, Edwin Reyes and Val Iglesias under the direction of Felix Dalay.
Basted si Carlos Agassi kay Ara Mina. You read it right folks. Hanggang kaibigan lang ang turing ni Ara kay Carlos. "Hindi naman kasi consistent si Carlos. Minsan tatawag siya ng madaling araw. Hello. Natutulog kami. Minsan naman, hindi siya tumatawag," say ng isang friend ni Ara na may alam sa ginawang panliligaw ni Carlos kay Ara.
Anyway, kagagaling lang ng actress sa Hongkong. She went there para sa screening ng Ayos Na Ang Kasunod sa Queen's theater. "Ang dami pala nating kababayan do'n. Talagang makikita mo na miss na miss nila 'yung mga Pilipino movies," says Ara.
Aiko Melendez papasok na sa pulitika? Well, ayon sa source ng Baby Talk, almost convince na si Aiko na tumakbong councilor ng Quezon City. Matagal ang naging process bago nag-decide ang aktres. "Sabi nga namin tumakbo na lang siya tutal hindi na naman siya aktibo sa career niya," the source says.
Maggi-guest ngayong araw si JV Ejercito sa Kris Aquino Show. Sasagutin daw ni JV ang mga accusations ni Gov. Singson sa first family. Pero bakit naman si JV? Hindi naman siya involve sa kaso. "Baka naman gusto lang ni Kris na makausap si JV ng one-on-one?" comment ng isa kong kausap. Pero bakit nga ba si JV? Hindi naman siya kasali sa issue. O choice ni Kris si JV dahil nili-link sila?
[email protected]/[email protected]
Sisikapin ng programa na baguhin ang pananaw ng mga mamamayan na hindi alam kung ano ang magiging epekto sa ating kapaligiran sa patuloy na pang-aabuso sa ating kapaligiran. "Paano na ang mga bata. Paano na ang kinabukasan nila?"
The Explorer is a thirty minute documentary program, the first of its kind in the Philippine television.
Magpi-feature rin ang programa ng mga investigative pieces focused on relevant environmental issues - from saving the Philippine deer to the vandalism of historic caves and diving with the whale sharks to the illegal slaughter of animals.
At any rate, magsisimulang mapanood ang The Explorer next week, October 18 every Wednesday at 11:45 p.m.
"Hindi ko alam kung saan niya (referring to Singson) nakuha 'yung mga sinasabi niyang ebidensiya at 'yung sinasabi niyang mga tapes na 'yan. Nalulungkot lang talaga ako, it came from a friend. Alam kong damay lang ang presidente sa away nila ni Atong Ang," mahabang paliwanag ni Jinggoy sa issue na tumanggap siya ng P15 M. "Lalo akong nagulat nang makasama ang pangalan ni First Lady. Wala naman siyang political agenda kaya bakit kailangan pang idamay si first lady. Hindi ko pa alam kung anong gagawin ng presidente sa ginawa sa kanya ng dati niyang kaibigan. I'm also very confident, hindi magpo-prosper ang sinasabi nilang impeachment proceedings.
"Saka bakit naman pati maliit na negosyo namin nadadamay. Maliliit lang ang investors dito (Millennium) na mga kaibigan ko rin.
"Marami na kaming napagdaanang intriga kaya hindi na rin ako nababahala dahil hindi naman totoo. Mas takot pa nga ako sa mga intriga sa showbiz, 'yung sinasabi nilang on ko si ganito o si ganyan. O ipinag-shopping ko si ganyan," he says.
Anyway, after Sagot Kita, Mula Ulo Hanggang Paa kung saan isang probinsiyano ang role ni Jinggoy, nagso-shooting na sila ni Judy Ann Santos ng Walang Iwanan, Peksman.
Aside from Vina kasama rin sa Sagot Kita sina Joko Diaz, Dick Israel, Jorge Javier, Berting Labra, Perla Bautista, Conrad Poe, Edwin Reyes and Val Iglesias under the direction of Felix Dalay.
Anyway, kagagaling lang ng actress sa Hongkong. She went there para sa screening ng Ayos Na Ang Kasunod sa Queen's theater. "Ang dami pala nating kababayan do'n. Talagang makikita mo na miss na miss nila 'yung mga Pilipino movies," says Ara.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended