(The Young Critic) - Bernard, hindi na dapat nagsalita

Ang pinaka-disadvantage siguro ng mga artista at celebrities ay ang kawalan nila ng privacy. Habang sila ay pasikat pa lamang pati brand ng kanilang medyas, pati paboritong snack food at pabango, siyempre pati sila na mismo ang nagsisiwalat sa buong mundo dahil isa naman sa proseso ng pagiging sikat ay ang pagbibigay ng kahit maliliit na detalye ng iyong buhay na puwedeng pagpistahan ng publiko.

Pinili ni Artemio Marquez na isiwalat ang kanyang tampo at sama ng loob sa kanyang mga anak particularly kay Joey Marquez, siguro dahil ito ang pinaka-successful apparently sa lahat ng mga Marquez children ngayon. Si Melanie ay napakarami ng problema at matagal nang walang balita kay Via Hoffman na minsan ay isang sikat na producer. Sa research kong ginawa, nalaman kong si Temyong Marquez is one of the most prolific directors of the 60’s and 70’s and primarily responsible for the rise of Nora Aunor and the producer and owner of Tower Productions. Direk Temyong even challenged the supremacy of major studios like Sampaguita, LVN and Premiere where he also worked. Most of his films are box-office blockbuster at hindi pa inuuso ng Regal ang pito-pito movies, may mga quickie si Temyong kaya nga lang ang quickies daw ni Marquez ay kumikita.

Sa interview ni Inday Badiday, halatang-halata na masama ang loob ni Direk Marquez kay Joey dahil hindi raw siya inaasikaso nang husto sa bahay ni Joey kapag dumadalaw siya roon at mas warm daw ang treatment ni Joey sa kanyang in-laws na parents siguro ni Alma, his present wife. Direk Temyong said a mouthful about his uncaring children. But I also remember Ate Luds asking him if he thinks he had been a good father to his kids. He said yes. Dahil inaalagaan naman daw niya ang mga ito at siya ang nagbabayad ng mga apartment nilang tinitirhan. Of course alam ng marami na maraming pamilya si Direk Temyong.

Ang pagsisiwalat ng sama ng loob sa national television ay hindi naman isang magandang panoorin. Ginagawa na lang katatawanan o entertainment ng ilang tao ang iyong problema. Naaaliw ang ibang tao dahil sa iyong mga hinanakit sa buhay.

Siguro ang nangyaring reaksyon ni Alma Moreno tungkol sa sinasabing na-cancel na interview ni Inday according to several accounts ay may kinalaman sa sinasabing exposé ni Temyong Marquez na hindi naman talaga maganda o positive ang dating para kay Joey na mayor pa naman ng Parañaque. Para na ring sinasabi ni Direk Temyong na Joey is not a good son. At dapat sigurong ipagtanggol siya ni Alma. Kaya lang matters can get difficult at times when you cannot think straight of what to say.

At ngayon, it is Bernard Bonnin’s turn to threaten domestic exposure of his separations with ex-wife Elvie Gonzales now the wife of Pepito Vera -Perez. Both Charlene and Richard grew up mainly in the US with their mother and stepfather and returned here only to pursue a movie career. Charlene was reportedly a fat child who grew up to be Miss Philippines for the Miss Universe contest. Richard was once a promising young star but the promise was not kept and now relegated to the have been category together with a lot of That’s Entertainment young talents who did not get the right breaks to be launched as a major star. Bernard talks about revising the Palos series for son Richard but so far plans have not materialized.

Bernard Bonnin ventilated his misgiving about him completely ignored in the current whirlwind activities sa pagpapakasal umano ni Charlene kay Aga Muhlach. Sa palagay ko, ang happy event na ito ay hindi na dapat mahaluan ng malungkot o negative vibes dahil si Charlene from what I’ve known, seen and heard about her is such a nice girl, so well-bred and gracious. I remember during an interview at Channel 5’s Eezy Dancing some time ago, she was asked about her father and she answered quite naturally, stating that she is in good terms with him but they do not communicate often because of her work and schedules. But she insisted that all is well with her father and her brother Richard.

Sana kung may tampuhan man sa kanilang magpapamilya, ma-resolve na iyon sa kani-kanila na lamang at huwag nang ma-involve ang buong Pilipinas. Hindi naman pagmamalasakit ang trato ng karamihan sa balitang ito. Pero yun nga ang problema sa buhay celebrity-tsismis ang bumubuhay sa iyong career at bale tsismis din ang pumapatay sa iyong career.

Show comments