"May Bukas Pa" ng Viva TV, magpapatuloy
October 9, 2000 | 12:00am
Mabubunyag na si Fidel (Ricardo Cepeda) ang siyang naghagis ng bomba kay Ramon (Albert Martinez) sa pagpapatuloy ngayong Linggo ng May Bukas Pa ng Viva TV, Oct. 9-13, 6:30-7:00 ng gabi, RPN 9.
Bago mangyari ito at ipahuhuli ni Fidel si Marcus (Bojo Molina) sa hinalang ito ang naghagis sa kanya ng bomba pero dahil sa kawalan ng ebidensiya ay pakakawalan din ito ng mga pulis. Sa kabilang banda, pinaghihinalaan ni Conchita (Celia Rodriguez) na si Sofia (Dina Bonnevie) ang may kagagawan ng pagbabanta sa buhay ni Ramon.
Samantala, lalayas si Chari (Kim delos Santos) at pupunta ito kay Patty (Mymy Davao). Kukumbinsihin ni Irene (Angelu de Leon) si Chan na bumalik na kay Divina (Cherie Gil) para makuha ang isang mahalagang dokumento na hindi naman niya makukuha.
Patuloy na sinisiraan ni Ruthie (Maui Taylor) si Bea (Anne Curtis) kay Trina (Aiza Marquez) bagay na ikinasira ng kanilang singing group.
Ang May Bukas Pa ay mula sa direksyon ni Gil Tejada at mula sa panulat ni RJ Nuevas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended