^

PSN Showbiz

(Deretsahan) - Paolo, kasama sa 'Taksi ni Pilo'

- Arthur Quinto -
Nag-last taping day si Paolo Contis ng Oki Doki Doc noong isang linggo. Definitely, mawawala na sa ere ang nasabing show dahil hindi na kapani-paniwala ang mga sitwasyon ng mga tauhan lalo na sa kaso nina Aga Muhlach, Agot Isidro at Charlene Gonzales.

Public knowledge na nakatakda nang ikasal sina Aga at Charlene samantalang si Agot ay ikinasal na sa kanyang boyfriend na si Mandu Sandejas. Sa Oki Doki Doc, nililigawan ni Doc Aga si Agot. Sa last episode, ikakasal silang dalawa sa piling ng kanilang pamilya.

"Siyempre, nalulungkot ako dahil tuluyan nang mawawala ang sitcom," sabi ni Paolo noong Martes. "Pero natutuwa ako sa mga pangyayari, sa private life nina Kuya Aga, Ate Agot at Ate Charlene. Magkakaroon na sila ng panibagong buhay."

Mahigit isang buwan na nawala si Paolo sa Oki... bilang isang PMA cadet. Binago ang script para sa kanyang pagbabalik. Maganda na nga sana ito dahil nagkakaroon ng bagong kulay ang sitcom. Pero dumating na nga ang mga pribadong sitwasyon ng buhay na nagpabilis sa pamamaalam ng programang halos kinalakihan na ni Paolo.

Planong pagsamahin sa last episode ang myembro ng cast na ‘nagbakasyon’ sa Oki, Doki Doc gaya nina Camille Pratts at Claudine Barretto na mas maagang nawala sa show. Ang talagang permanenteng nawala rito ay ang namayapang si Babalu bilang tatay nina Agot, Paolo at Claudine. Sila ang miyembro ng Macunatan family.

"Yung memories na yon ang hindi ko malilimutan sa lahat, ang daming masasaya at malulungkot na pangyayari. Saka doon halos ako lumaki, mula sa pagiging child actor hanggang teenstar," pahayag ng 16-anyos na aktor.

Bilisan ang taping ng bagong seryeng Ang Taksi ni Pilo na pinagbibidahan ni Joel Torre. Nabitin ang taping nito nang ipasok sa Cardinal Santos Medical Center si Paolo. Tatlong linggo siyang pinagpapahinga sana. Pero sa muling pagpapatingin niya, naka-recover na siya nang husto, kaya one week na lang siyang nagpahinga sa bahay.

"Isa ako sa reluctant souls sa bago naming TV series," impormasyon ni Paolo. Kaya naman masaya ang aktor dahil kahit mawawala ang Oki, Doki Doc, may kapalit naman.

"Nagpapasalamat ako sa ABS-CBN dahil inaalagaan pa rin nila hanggang ngayon ang career ko," sabi ni Paolo. Bagaman mas naunang nagpaalam ang Tarajin Pot Pot, nananatili pa rin ang teen heartthrob sa Tabing Ilog. Mas makakabuti kay Paolo ang mag-concentrate na lang muna sa dalawang TV shows dahil kailangan niya ito.

"With two TV shows, I will have more time now to appear in the movies, di ba?" sabi niya. "Tungkol naman sa personal appearances sa malalayong lugar, pag-aaralan ko munang mabuti kung puwede na ang health ko. Inaamin ko, in the past, sa rami ng ginagawa ko, plus yung pag-aaral ko pa sa ABS-CBN Distance Learning Center, medyo naging stressful ang epekto nito sa akin. My Mommy keeps on saying na magpahinga ako and have enough rests, pero medyo hindi ko inintindi dahil I thought, kaya ko. Now, I know. Dahil sabi nga ng doctor, kahit makina, kailangan ng pahinga."
******
Sa hanay ng mga pelikulang gusto kong makasali sa darating na Metro Manila Filmfest, kung ang pagbabatayan ay husay ng direktor, narito ang choices ko, not necessarily in order: 1) A-BaKa-Da. . . Ina (Viva), pagbabalik-direksyon ni Eddie Garcia; 2) Tuhog (Good Harvest; 3) Walterina Markova: Comfort Gay (RVQ); 4) Tanging Yaman (Star Cinema); 5) Batang West Side (JMCN); 6) Sugatang Puso.

Ilan lang ito sa magagandang entries, kung saka-sakali. Kaya lang, isang source ang nagsabi sa akin na posibleng tatlong slots na lang ang paglabanan ng ilang production companies dahil mukhang makokopo ng Crown Seven (Gatas sa Dibdib ng Kaaway), Millennium Cinema (Huwag Mo Akong Subukan) at Jojo Films (Walang Iwanan, Peks Man) ang tatlong slots, for obvious reasons dahil ang mga producers nito ay organizers mismo at moving spirits ng festival.

Si Mayor Jinggoy Estrada ang nasa likod ng Jolo at Millennium, si Jesse Ejercito sa Crown Seven. Hindi sila papayag na hindi makapasok ang kanilang mga pelikula. Dahil sa pakiwari nila, may kalidad ang mga ito, pang-filmfest talaga.

Planong tumakbong senador ni Jinggoy sa darating na eleksyon. Prinoprograma na nga ang kanyang political career, kasama na rito ang pagkakaroon ng public service program sa telebisyon. Pero mapagkumbaba naman niyang sinabi sa presscon ng Sagot Kita na kung sa national surveys ay hindi pumasok ang pangalan niya sa top ten, sa Kongreso na lang siya papasok.

Nitong lumabas ang tsismis na nililigawan daw ni JV Ejercito si Kris Aquino, nagpahayag si Jinggoy na sang-ayon siya, kung matutuloy ang nasabing romansa. Nabalita pang sinabi niya na kung yung elder brother ay hindi nakuha si Kris, yung nakakabatang kapatid ay makukuha ito. Lumitaw na niligawan pala ni Jinggoy si Kris noong disiotso lang ang aktres. Ang greatest crush ni Kris during that time ay si Alvin Patrimonio.

Hanggang ngayon ay hindi pa inaamin ni Kris na may romansa ngang namamagitan sa kanilang dalawa ni JV pero marami ang nagsasabing bagay sila. Dahil una, pareho silang anak ng presidente. Ikalawa, pareho silang may anak na sa hindi nila mapakasalan, si Kris, kay Phillip, si JV kay beauty queen na si Patty Betita.

AGOT

CROWN SEVEN

DAHIL

DOKI DOC

PAOLO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with