^

PSN Showbiz

Nagpapatawa ba si Jinggoy?

-
Isang bagong papel ang gagampanan ni San Juan Mayor Jinggoy Estrada sa bagong handog ng Millennium Cinema na Sagot Kita. . . Mula Ulo Hanggang Paa.

Ginagampanan niya ang papel na Ador. Isang walang suwerteng probinsyano na hinanap ang kanyang suwerte sa Maynila pero bumagsak lang siya sa isang grupo ng mga palpak na magnanakaw. Sinubukan niyang mamasukan bilang houseboy ng isang sikat na TV host na si Celina. Dito na nagsimula ang kanyang suwerte.

"Marami ang comedy dito pero nandiyan pa rin ang mga action sequences namin," ani Jinggoy.

Pangalawang beses nga ni Jinggoy na lumabas sa isang action-comedy. Sa pagkakataong ito ay pinili niya si Vina Morales para maging leading lady niya.

"Kapag kasama ko ang aking pamilya, mga kaibigan at katrabaho sa industriya, lumalabas yung pagiging komedyante ko. Nakikita tuloy nila na hindi ako yung napakaseryosong pulitiko na napapanood nila sa TV. Komedyante ako sa tunay na buhay din. Kaya nga sa set namin, walang tension dahil nagtatawanan kami. Ayoko rin naman no’ng masyado kaming serious. Kailangan din nating magtawanan kahit pakonti-konti lang."

Sagot Kita. . . Mula Ulo Hanggang Paa mula sa direksyon ni Felix E. Dalay at kasama pa rito sina Joko Diaz, Jorge Javier, Dick Israel at Perla Bautista.

DICK ISRAEL

FELIX E

ISANG

JINGGOY

JOKO DIAZ

JORGE JAVIER

MULA ULO HANGGANG PAA

SAGOT KITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with