Kaya pala nagmamadali ng kanyang taping si Dina Bonnevie ay dahil aalis siya patungong Amerika para gumawa ng pelikula dun. Aba, bigatin siya. Magandang news ito dahil kakaunti ang turnover ng local movies, dahil siguro sa kahirapan. Nakakatakot nga dahil last year, mahigit 1000 pelikula ang nagawa pero ngayon nakaka-100 pa lamang tayo. Di ba nakakalungkot?
Aside from D Day! ng GMA, naka-iskedyul si Dina na gumawa sa Millennium Cinema at Star Cinema.
Kahit na hindi nagpaliwanag sa akin si Maricar de Mesa sa pasya niyang mag-bold, maiintindihan ko rin kung bakit niya ito ginawa. Sino ba naman ako para ipagkait sa kanya ang pinapangarap niyang stardom? Anyway, sabi niya, hindi kasing-bold ng mga press releases ang pelikula nila ni Jomari Yllana na Katayan. Alam ko rin na ayaw niyang mag-bold pero ito lamang ang landas niya sa tagumpay at matagal na niyang hinihintay ang pagdating nito.
Good luck na lang sa aking anak sa That’s...
Ang buong mag-anak pala nina Michael de Mesa at Gina Alajar ay pumunta ng States para mag-renew ng visa. Sinamantala na rin ni Gina ang pagkakataon para gumawa ng pelikula dun. Tulad ni Dina, sana rin ay makilala siya sa international scene. Magagaling naman silang artista.
Paano nga naman hindi magsa-suffer ang pelikula eh, nakikita na ang mga top action star sa TV–Phillip, Bong, Rudy, Cesar–tapos, tinatalo pa tayo ng mga Mexican telenovelas dahil lamang sa ayon sa maraming nanonood nito na nakausap ko ay masyado raw nating pinahahaba ang mga local soap. Walang takdang panahon kung kailan ito matatapos. At kapag nawala ang isang artista, nire-revise ang script para umayon sa absence nila. Tsk. Tsk. Tsk.
Thank you nga pala kina Gloria Romero, Susan Roces, Rudy Fernandez, Bong Revilla, Phillip Salvador, Vera Perez family sapagkat muli na naman nilang binigyan ng magandang kahulugan ang karagdagang taon sa aking buhay.