Tila, nagkakasunud-sunod naman ang pagpapakasal ng maraming artista. Matapos ang napaka-garbong wedding nina Cesar Montano at Sunshine Cruz, sinundan ito ng nakabibiglang balita na pagkakaroon ng relasyon nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na hahantong sa isang kasalan sa susunod na taon.
Bago matapos ang taon, balita rin na mag-aasawa na si Lindsay Custodio.
Ang pinaka-latest na nakagat na rin ng love & wedding bug ay ang konsehal ng Lungsod ng Quezon na si Dingdong Avanzado. Balita na gusto na niyang mamanhikan para hingin ang kamay ni Jessa Zaragoza, pero sa malas, ay may problema siya sapagkat hindi pa rin nagkakasundo ang kanyang fiancee at ang ina nito na bagaman at nakatira lamang sa iisang building pero sa magkahiwalay na condo unit. Galit o may tampo pa rin kay Jessa ang kanyang ina sapagkat kahit magkatabi lamang sila ng tirahan ay hindi raw siya inimbita ng ina nung magdiwang ito ng kanyang kaarawan?.
Hindi rin naman zero sa blowout ang birthday ni Kuya Germs Moreno dahil binigyan siya ng birthday dinner ni Mommy Nene Vera Perez sa Valencia residence nito nung gabi ng kanyang kaarawan na dinaluhan ng ilang mga kasamahan niya sa KAPPT gayundin ng buong Vera Perez family. Talagang love ng mga Vera-Perezes ang TV host to take time out just to be with him. Nakita ko ang grand matriarch ng pamilya na si Gng. Azucena Vera Perez, ang mga anak niya na sina Marichu Maceda, Pepito Vera Perez kasama ang asawa niyang si Elvie Gonzales at ang anak nitong si Charlene Gonzales. Naru’n din sina Gina de Venecia, Lillibeth Nakpil at si Chona na hindi ko pa alam kung ano ang married name. Narun din ang staff ni Kuya Germs na binubuo nina Carmelites, Chuchi, Virgie, Tito Noli, ang kanyang anak na si Federico at ang pamilya nito, si Vina Morales na isa ring itinuturing na pamilya, si Susan Roces, Gloria Romeo at ilang KAPPT members na gaya nina Sharmaine Suarez, Sabrina, Katrina Paula at si Miloy Trinidad, mother ng isa sa mga dating taga That’s Entertainment na si Anthony Wilson who has remained to be a friend of Kuya Germs at si Rudy Fernandez.
Mayro’ng ini-sponsor na celebrity screening ang KAPPT para sa pelikulang Chicken Run. Ang pelikula na ipinamamahagi locally ng United International Pictures ay isang animated movie na pang-buong pamilya. Gaganapin ang pagpapalabas sa SM Megamall Cinema 4, 7:00 ng gabi sa Oktubre 13.
Maghahandog ang Calle 5 Food Zone ng isang Octoberfest Extravaganza na magtatampok sa pinaka-magagaling na banda sa bansa at may pamagat na Bands Showdown 2000 na magaganap sa Oct. 20 sa nasabing lugar na matatagpuan sa 1328 A. Mabini, Ermita.
Ilan sa mga banda na magtutunggali ay ang D’Sparks II Band, Kinetic Band, Orion Band, Fox Mover Band, Maranatha Band, Dynastic Band, Precious Emerald, Simple Accent, Wreckle Band. Breed City Band at Remix Band.
Ang showdown na ini-sponsor ng San Miguel Beer ay magsisimula sa ika-9:00 ng gabi.