Maraming dahilan kung bakit tinangkilik ng publiko ang naturang pelikula. Una, bagong mukha at sariwa ang bida. Bagong personalidad at bagong iibigin. Sa katunayan nga, nang mag-theatre tour ang dalaga noong opening day ay dinumog siya hindi lamang ng mga kalalakihan, pati na rin ang mga kababaihan ay pinagkaguluhan siya.
Pangalawang dahilan naman ay dahil na rin sa pelikula. Hindi kasi nakakahiyang panoorin ito dahil may katuturan. May maiinit mang eksena rito ay bumagay naman sa istorya dahil kailangan ang mga ito.
Isa pa sa mga dahilan kung bakit nag-hit ang Alipin ng Tukso dahil na rin sa masyadong nainip ang mga nag-aabang. Nanabik nang husto ang mga moviegoers kay Halina. Kaya naman, nanggigil sila at maaga pa lang ay pumila na sila sa mga sinehan noong opening day.