TV Star Awards ngayon sa UP Theater

Ipapalabas sa RPN 9 ang 14th PMPC Star Awards for Television ngayong Sabado. Oktubre 7, dakong alas-7 ng gabi. Gaganapin ang gabi ng parangal sa UP Theater.

Si Al Quinn, isa sa mga pinakamagaling na direktor sa bansa, ang mangangasiwa sa PMPC affair habang ang concert queen na si Pops Fernandez, kasama sina Troy Montero, kilabot ng mga kolehiyala na si Dingdong Dantes, Ralion Alonso at ang talkshow princess na si Kris Aquino ang mga hosts.

Si Helen Gamboa ang trivia host at si Jolina Magdangal naman ang segment host.

Magkakaroon din ng isang number sina Aiai delas Alas, Janno Gibbs, Ogie Alacasid, Michael V. at Keempee de Leon.

Magiim-personate naman sina Willie Nepomuceno, Candy Pangilinan, Rufa Mae Quinto, Jon Santos, Allan K. at Leonard Obal ng mga popular na TV personalities.

Hindi rin mawawala sa palabas sina Amanda Page, Vanessa del Bianco, Angelika dela Cruz at Streetboys na sina Jhong Hilario, Vhong Navarro at Danila Barrios, kasama ang DTM Dancers, Big Men at ang VIP Dancers na siguradong kagigiliwan ng mga manonood sa kanilang fashion and dance number.

Para sa finale, kasama ng magkapatid na Vina Morales at Shaina Magdayao sina Maan Ortega at ang Seed Montessori choir.

Para sa taong ito ang makakakuha ng Ading Fernando Memorial Lifetime Achievement ay ang popular na trio nina Tito, Vic at Joey ng Eat Bulaga. Ang beteranong aktres na si Alicia Alonzo ang bibigyan ng Vic Silayan award.

Show comments