Umiyak si Pops, pero mas malakas si Troy sa Aga-Charlene romance ? (Sanga-Sangandila)

Nalaman ko sa isang source na totoong umiyak si Pops Fernandez nang mabulgar ang romansa nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales sa publiko. Sinabi rin ng source na ang pag-iyak ni Pops ay bunga ng pagdaramdam sapagkat nagawa siyang paglihiman ng dalawa gayong magkakabarkada raw sila at madalas pang mag-foursome kasama si Troy Montero bago pa naganap ang admission nina Aga at Charlene. Hindi lamang daw sina Pops at Troy ang nabigla sa pago-on ng dalawa kundi maging si Liezl Martinez na bukod sa kabarkada rin ay pinsan pa ni Aga. Sinabi rin ng aking source na mas malaki ang naging pagdaramdam ni Troy sa mga nangyari because close (as in nag-on?) sila ni Charlene.

Mukha rin na nag-iba ang takbo ng istorya tungkol sa dalawa simula nang pumapel ang ama ni Charlene na si Bernard Bonnin na ayon naman sa isa pang source ay malaki naman ang pagdaramdam sapagkat hindi na siya nasasabihan ng mga kaganapan sa buhay ng kanyang anak na babae gayong ang kapatid ni Charlene at kanyang anak na lalaki na si Richard Bonnin ay nagsabi na sa kanya at nagpaalam na mag-aasawa na rin. Maski na raw nung manalo bilang Bb. Pilipinas si Charlene ay hinihintay niya na balitaan siya nito at i-share sa kanya ang good news pero hindi rin ito nangyari.

I would like to believe na dahilan kay Bernard kung kaya biglang hindi naging pamanhikan yung naganap sa Vera Perez garden at nasulat dito sa amin nung unang gabi nang pumunta ro’n si Aga with his family and was welcomed by Charlene and her mom and the whole Vera-Perez clan. If ever, baka magkaroon ng second "pamanhikan" pero, kailangan pa bang ibalik ni Charlene yung mamahaling engagement ring na bigay ni Aga for a take two engagement party?
****
May isang maganda at magaling na singer na kasalukuyang gumagawa ng pangalan sa larangan ng TV hosting sa programang Alas Dose Sa Trese, Lunes hanggang Biyernes, IBC 13 12:00 ng tanghali. Siya si Ladine Roxas, nagsimula bilang singer sa pangalang Geraldine pero, binago ng Viva Records sapagkat ang pangalang ito ay kanyang ginamit bilang artist ng Star Records.

Three years ago, isang lounge singer si Ladine na nagpapabalik-balik sa Calesa Bar ng Hyatt at Siete Pecados ng Philippine Plaza. Dito siya nadiskubre ni Vehnee Saturno. Sa ganitong pagkakataon din siya nakita ni Vic del Rosario ng Viva at inalok na mag-recording sa kanila. Umoo naman siya pero pumunta muna siya at kumanta sa Grand Hyatt ng Hongkong. Dito rin siya nakitang muli ni Vic del Rosario at pina-uuwi para magsimula na ng kanyang album na siyang ipino-promote niya ngayon.

Isang self-titled album ito na nasa promosyon na ng kanyang ikalawang single na pinamagatang "Anong Daling Sabihin". Ang unang single niya para dito ay isang revival ng "Somewhere Down The Road".

May certificate si Ladine mula sa College of the Holy Spirit para sa Interior Designs. Galing siya sa isang pamilya na mas nakakarami ang mga pulitiko. Siya ang nag-iisang singer sa kanyang pamilya at pangarap niyang maging concert queen. May mga offers siya para mag-pelikula, pero mas gusto niyang sumikat bilang singer. "Besides, naghihintay pa ako ng tamang role," sabi niya.
*****
Magdaraos ng isang Battle of the Bands Ang Fiesta World Mall na matatagpuan sa Lipa City bilang pinaka-highlight ng kanilang ginaganap na Octoberfest.

Ang contest ay bukas sa lahat ng mga amateur bands sa Lipa at kalapit bayan sa Batangas. Gaganapin ang paligsahan tuwing Miyerkules ng buong buwan ng Oktubre, 5:00 ng hapon sa Entertainment Center/Food Court. Nagsimula na ang unang elimination round nung Okt.4.

Ang grand finals ay magaganap sa Okt. 28. P2,000 ang mapapanalunan sa weekly eliminations at sa finals, P8,000. Tutugtog din ang mga winning bands sa pagbubukas ng Billiard and Bowling Center ng mall.

Sa Okt. 31, magi-sponsor ang San Miguel ng isang Halloween Concert na magaganap sa mall kasabay ng isang midnight mall sale.

Show comments